top of page

Stop, Look and Listen

Isa sa mga bagay na enjoy na enjoy nating gawin bago dumating ang pandemic ay makipag-chikahan. Kung estudyante ka, kapag class break, nakikidayo ka pa sa dulo ng classroom niyo para lang makipag-kuwentuhan. Minsan nga nakikipag-exchange ka pa ng upuan para makipag-chikahan kayo ng bestfriend mo. Kung working ka naman, nagkakaroon siguro kayo ng coffee break habang nag-uusap sa kung gaano pa katagal bago magsi-uwian. Nandyan din ‘yung gala with friends tapos magsisi-tawanan habang kumakain sa Mcdo or Jollibee.


At sa bawat chikahan or conversation, may iba’t ibang types ng kausap.


Nandyan ‘yung adik sa cellphone. Laging naka-glue sa screen ng phone ang mga mata. Habang busy ‘yung mga kasama niya sa topic nila, may sarili rin siyang mundo sa mga social media.


Meron ding ‘yung laging tawang-tawa. ‘Yung tipong bago niya masabi ‘yung iku-kuwento niya or joke niya, ayun, halos mamatay na siya kakatawa. Mas mahaba pa ‘yung oras nang paghihintay nyo na kumalma siya kaysa mismong kwento niya.


Another is ‘yung interrupter. Ito naman ‘yung type ng kausap na kapag nagsasalita ka, lagi namang may say. Kumbaga siguro kung may pila, kating-kati na siyang makausad at makapunta sa pinakauna. Kapag may shini-share ‘yung isa sa inyo, hobby niya ang mang-interrupt. Pero kapag turn naman niyang magsalita, wala naman siyang gustong i-kuwento. Parang trip niya lang talagang maki-share sa spotlight ng iba.


Nandyan din ‘yung cry baby. Ito naman, hindi lang nakiki-share sa spotlight. Sa kanya palagi ang spotlight. Pag kausap mo ‘yung ganito, parang hindi ka pwedeng maging masaya. Kasi nga, lagi silang nagpa-panggap na bitbit nila ang buong mundo, at parang sila lang ang nakaka-experience ng kalungkutan sa buong Earth.

Meron ding connector. Connector kasi kahit hindi related sa topic, nagagawa pa rin nilang ipasok sa usapan. Kaya mamamalayan niyo na lang, kung saan-saan na pala napunta ang conversation ninyo.


Actually, may hindi pa pala tayo nababanggit na isa. Sa bawat conversation, kung may mga hindi makapaghintay ng turn nila to speak, syempre meron din namang mga good listener. Ito ‘yung mga tao na makikita mo talaga sa kanila ‘yung enthusiasm na makinig. Kapag turn mo, tahimik lang sila. Ito ‘yung mga taong masarap kausap. They know when to listen and when to speak.


Ikaw hugs, alin ka sa mga nandyan? Ikaw ba ‘yung tipong bigla na lang napapadpad sa space ang utak kahit kaharap ang kausap? Or ikaw ‘yung nasa attentive side, with matching facial expressions pa. Kapag malungkot ‘yung kwento ng kausap mo, malungkot din ang mukha mo. Kapag masaya, napapangiti ka rin. Konti na lang, pwede ka nang mag-audition para maging artista.


At kung pareho tayo ng iniisip, yes, tama ka! Magku-kuwentuhan tayo today kung paano nga ba – how can you be a good listener?


Eh DJ Ron, bakit pa kailangang pag-usapan ‘yan, alam ko naman ‘yan eh. Makikinig ka lang naman, tapos ‘yun na. Oo, lahat tayo may kakayahang makinig, pero hindi lahat, good listener.


Kung i-a-assess mo ang sarili mo, within a day, alin ang mas maraming time – ‘yung pagsasalita mo or pakikinig mo? And when I say pakikinig or listening, totoong nakikinig ka, ini-internalize mo talaga ‘yung sinasabi ng other party. Hindi ‘yung hindi ka nga nagsasalita pero busy naman ‘yung utak mo sa pagpa-plano ng ire-reply sa kausap mo.


Kung part ka ng majority, mas marami talaga ang time ng pagsasalita kaysa pakikinig. Most people tend to treat conversation like a competitive sport. Kung sinong may pinakamaraming ambag sa conversation, may pinaka-clever na idea, nakukuha ang attention ng iba, or whoever speaks the loudest and longest, siya ang panalo. Pero kung iisipin mong mabuti, kabaligtaran dapat nito ang approach natin. In most conversations, kung sinong hindi masyadong nakakapagsalita benefits the most, at kung sino pa ang salita lang nang salita, siya ang may pinaka-onting benefit na makukuha.


Alam mo ba na mas advisable if you talk less and listen more?


May skl ako, “share ko lang”. Merong grupo ng magkaka-klase. Nagka-mini reunion sila dahil karamihan sa kanila nag-attend ng house party ng isa sa classmate nila. Tapos nung later afternoon na, nag-decide silang umakyat ng rooftop para maglaro ng truth or dare. Syempre pre-pandemic pa ‘to nangyari so pwede pa ang mga large gathering. Bago tayo tumuloy, ang bida pala sa kwento na ‘to ay itago na lang natin sa pangalang, boy and girl. Bagong-bago no. Anyway, so dahil truth or dare, may kailangang mapili. Pinaikot na nila ‘yung bote. Tumapat kay boy. Pinili niya truth. So tinanong siya nung isa sa mga nandoon, “Anong nagustuhan mo kay girl?” ‘Yun pala, parang may naging history itong si boy and girl. Syempre dahil truth, no choice si boy kundi sumagot. Sabi niya, “Naging crush ko siya kasi marunong siyang makinig. Kapag nagsasalita ako, hinahayaan niya lang ako. Pinapatapos niya muna ‘yung sasabihin ko bago siya magsalita.”


So ano ang moral ng story – maging good listener para mapansin ni crush. Syempre joke lang. Wala dapat hidden agenda kapag nakikinig. Kung makikinig ka man, ‘yun ay dahil invested ka talaga sa kwento ng kausap mo.


Ang pakikinig, pwede rin siyang maging love language actually. Kasi listening is like saying, “I love you. I care about you. Importante ka sa akin, kaya importante rin ang kung ano mang sasabihin mo.”


Tapos isa pang dahilan why you should talk less and listen more. Kapag nakikipag-date ka. Lalo na kung lalaki ka, plus points ‘yun sa’yo kapag nagkita kayo uli tapos tanda mo pa rin even the smallest details sa mga sinabi ng date mo nung nakaraan. Sino ba namang gustong lagi na lang kailangang ulitin ang sinasabi nila diba?


Oh baka sabihin niyo imbento lang naman ‘yan ni DJ Ron. Supported to ng research. Sabi rito, as a new study published in the journal Science of Nature found, being a good listener is actually a really attractive trait to have, especially for men looking to attract women. In short, plus points para sa’yo if good listener ka.


Pero hindi lang naman sa dating and relationships may benefit ang pakikinig attentively kundi in life in general. Lalo na’t magkakaiba naman tayo ng perspectives sa mga bagay-bagay, it would be beneficial na makinig muna bago mag-present din ng sariling opinion. Mapapaiwas ka sa gulo. Kung estudyante ka, lalong dapat na ma-practice mo ang art of listening para ma-gets mo ang lessons. Kahit sa relationships mo with friends, talagang aayawan ka kung Jollibee ka – bida-bida.


So eto na ang tanong, are you a good listener or a bad listener?


Kung ikaw ‘yung pangalawa, hindi siya maganda pero may mga rason naman talaga kung bakit posibleng hindi mo magawa.


Unang-una, your natural desire is to talk. Syempre, we as humans, gusto nating maka-create ng good image para sa atin. Gusto nating mag-appear na matalino. At ang pinakamabilis na paraan para patunayan ‘yun, ay ang magsalita nang magsalita to appear knowledgeable by sharing what we know. Kaso this hinders you from really listening sa iba dahil nga busy ka nang mag-isip ng ire-reply. Hindi ka naman nakikinig dahil invested ka kundi for the sake lang na may masabi ka rin.


Pangalawa, you are judging other people. Lahat ng actions or sabihin ng iba, jinu-judge mo. Kaya kapag may narinig kang opinion ng iba na hindi pareho sa’yo or contrasting sa pinapaniwalaan mo, mas madaling i-dismiss na lang at maging uninterested for the rest ng sasabihin niya. Disagreement with what someone is saying stops listening. Instead, i-assess mo ang thoughts and actions ng iba. Sa halip na i-judge mo, try hearing them out. Malay mo, you’re missing on something. Kung hindi naman, maybe you can inspire them to grow. Either way, win-win situation siya para sa’yo.


Pangatlo, you have preconceptions and biases. Kung may preconception ka sa iba, hindrance talaga ‘yan para pakinggan mo siya nang mabuti. For example, “Ay, wala ka naman kasing experience sa area na ganito, kaya ang hirap para sa akin na makinig sa’yo kasi feeling ko hindi mo naman talaga alam ang sinasabi mo.”

Similar to judging others, kailangan mong i-discard ‘yung mga “filter” na nilagay mo. Focus ka lang sa positive na pwedeng mangyari kapag nakinig ka sa kanya.

Pang-apat, your ego gets in the way. Ang mga leader, mas prone silang magkaroon ng ego or mas maging ma-pride kaysa sa followers nila, therefore, preventing the leader from listening. Sasabihin sa’yo ng ego mo, “Matalino akong tao. Bakit ko pa kailangang pakinggan ang sasabihin nito?” So dahil feeling mo superior ka sa iba at inferior sila sa’yo intellectually man or socially, hindi mo na makikita ‘yung sense ng pakikinig. Alam mo na lahat eh. Ano pa bang maco-contribute nila?

However, ang mga secure talaga sa kung anong capabilities nila, sila ang mas may confidence na makinig, irespeto, at i-value ang sasabihin ng iba.


Pang-lima, you’re trying to multi-task. Hindi kaya ng utak natin na mag-take in ng information galing sa iba’t ibang sources of information nang sabay-sabay. Kaya nga diba kapag nag-aaral, advisable na tahimik ang paligid. Or kung makikinig ka man ng music habang nag-aaral, ‘yung instrumental lang dapat or walang lyrics. Kasi nga we are unable to take in multiple sources of information at once, and trying to multitask will shut down your ability to listen. Aside from that, hindi ba unrespectful sa nagsasalita, kung habang nagku-kuwento siya, ikaw naman busy sa cellphone? Kaya kung gusto mong makinig, as in attentive na pakikinig sa sasabihin ng iba, sundin mo ‘yung sinabi ni Taylor Swift sa kanta niya na Sparks Fly, “drop everything now.” Kasi ganoon kapag nakikinig. When you want to listen to someone you have to drop everything you’re doing and focus.


Lastly, pang-anim, you shut people off. Kung may disagreement ka sa pagitan ng isang tao, mas madaling mag-focus na lang sa hindi ninyo pagkakaunawaan kaysa sa kernel of truth or katotohanang pwede nilang mai-share. Instead na magkaroon ng fruitful na conversation, dini-dismiss na lang ang sasabihin ng other party. Not nice ‘yun friend. Sabi nga sa title ng isa sa mga kanta ng Ben and Ben, Nakikinig Ka Ba sa Akin? Nakikinig ka ba hugs?


Isa pang reason kung bakit possible mong i-shut off ang iba is kapag sa tingin mo, alam mo na ang sasabihin ng taong ‘yun. Kaya there’s no need to listen anymore. Pwedeng sabihin mo, “Ganito naman laging sinasabi ni Mae eh. For sure ito lang din uulitin niya.” Pero baka may sabihin si Mae na hindi pa niya nasasabi dati. If you stop listening, hindi mo malalaman.


Isipin mo na lang kung gaano ka-ingay at kagulo ang mundo kung lahat nagsasalita nang sabay-sabay. Walang gustong makinig, lahat lang gustong mapakinggan. Kaya nga it is important for you to know when is the right time to speak, and when is the right time to listen. May timing ang lahat ng bagay, kahit sa pakikinig. Always put yourself in the shoes of other people. Kapag ba nagsasalita ka, gusto mo ring may bigla na lang magi-interrupt sa’yo? Or kaya akala mo genuinely na nakikinig ‘yung kausap mo sa experience mo, ‘yun pala busy lang naman siyang mag-isip ng ire-reply sa’yo. Listening not to listen but to reply.


Lahat naman tayo, kahit ako, na-experience nang mag-zone out, mapunta sa kalawakan habang may ibang nagsasalita. Ang average na human has an attention span of only eight seconds. Eight seconds lang kayang mag-focus ng isang average na tao tapos wala na, distracted na sa ibang bagay. Lalo na’t nandyan ang cellphones, laptops, dagdagan mo pa ng mga gawain sa school or at work, nagiging difficult task na talaga ang pakikinig sa iba.

Pero may mga quick ways para maging better listener ka.


Una, Listen to learn, not to be polite. Madalas, kahit unconscious ka, nakikinig ka sa iba out of generosity, hindi out of curiosity. Maganda namang nakikinig, pero ang intention mo dapat ay curiosity, hindi generosity. Walang dialogue or exchange na mangyayari kung nagpapanggap ka lang na nakikinig out of politeness. Lalong hindi rin ‘yan mangyayari kung hindi ka naman talaga nakikinig at all.

Kung pagkatapos ng conversation mo with another person, wala kang natutunang bago or anything surprising, you weren’t really listening.

Kaya pagkagising mo, try asking yourself, “Ngayong araw, saan ako magiging curious? Sa ilang mga bagay kaya mali pala ang nalalaman ko?” This questions will help you to listen out of curiosity.


Pangalawa, quiet your agenda. You can’t control others’ listening habits, but you can control your own, at kasama na dyan ang pagpapatahimik sa isip mo.


Pangatlo, ask more questions. One of the simplest ways to be a better listener is to ask more questions than you give answers. Kapag nagtatanong ka sa iba lalo na kapag personal matters ang usapan, gumagawa ka ng safe space para makapag-share sila without filtering their answers. Kapag nakikinig ka nang may real na intention, magiging open ka sa pagiging mali. Magiging comfortable ka sa conversation. Kasi hindi ka naman nakipag-usap para i-prove ang sarili mo na mas magaling. You are there to make that person feel appreciated, at para may matutunan ka rin galing sa kanya.


Pang-apat, pay attention to your talk/listen ratio. Dapat ang ratio ng pakikinig mo sa pagsasalita is 2:1. So obvious naman na ang dapat na mas mahaba is pakikinig. Kung note-taker ka sa conversation ninyo tuwing may meeting or simpleng pag-uusap lang, try keeping track of how much you listen versus how much you talk. Sa isang corner ng papel, lista mo lahat ng pangalan ng taong involved. Tapos everytime na may nagsasalita for more than a sentence or two, lagyan mo ng check mark sa tabi ng pangalan niya. Syempre dapat kasama ka dyan. Try doing this at baka may mga lessons kang makuha.


Pang-lima, repeat back what you heard. Marami kasing pwedeng maging reason kung bakit pwedeng hindi maging accurate ang pagkaka-intindi mo sa nagsasalita. Ina-anticipate mo ba kung anong susunod niyang sasabihin? Do you agree or disagree? Sa madaling sabi, there’s more opportunity to misunderstand then there is to actually understand.

Instead, implement a process called active listening. Simple lang naman. Ulitin mo lang sa speaker ‘yung pagkakarinig mo. Kung nag-agree si speaker na ‘yung sinabi mo is what he or she intended to say, pwede ka nang makapag-move on. Kung hindi naman, kailangang i-reword ni speaker ‘yung statement nila hanggang sa maintindihan na ni listener.


And lastly, actually wait until someone is done talking before you respond. Sabi ni Leslie Shore, author ng librong Listen to Succeed, ang pinaka-mahirap na part daw ng effective na pakikinig, is waiting for a period at the end of a sentence before formulating a reply. Kapag kasi nagsimula kang mag-isip ng ire-reply kahit na hindi pa tapos ‘yung nagsasalita, mawawala ‘yung complete information na nakuha natin sa sinabi niya, including the emotions na meron ‘yung tao habang nagsasalita. Wala ka naman sa debate na kailangang may pang-rebutt agad sa kalaban. Hindi rin naman paunahan ng pag-reply. Wait at least 5 seconds bago ka magsalita. Kapag napakiramdaman mong tapos na talaga siya, that’s the moment na pwede ka nang mag-share ng thoughts mo.


That’s it. Six quick tips on how to be a better listener.


Ang Bible na rin mismo ang nagsasabi, “Let every person be quick to hear, slow to speak, slow to anger.” Simpleng words pero halos imposibleng ma-live out. Kasi ang madalas na nangyayari, slow to hear, quick to speak, and quick to anger. Kaya hindi ka magiging better listener overnight. Nangangailangan ‘yan ng discipline, effort, and intentionality. Kaya hindi magkakaroon ng biglaang change sa isang conversation lang – produkto ‘yan ng patterns of little resolves sa bawat conversation na magkakaroon ka.

Pero higit pa man sa pagiging good listener sa iba, ang pinaka-unang dapat nating matutunang pakinggan ay si Lord. Sabi sa Proverbs 8:32-35, “And now, O sons, listen to me: blessed are those who keep my ways. Hear instruction and be wise, and do not neglect it. Blessed is the one who listens to me, watching daily at my gates, waiting beside my doors. For whoever finds me finds life and obtains favor from the Lord.”


Kaya whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable--if anything is excellent or praiseworthy--think about such things. Sa pamamagitan niyan, you will be able to listen to the Lord and follow his instructions.




Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page