Before You Say “I Do”
Ang episode natin ngayon ay ang finale ng ating series para sa mga “samahan ng malalamig ang pasko”, which is ang “Single Series”. Ang bilis lang no? Nung nakaraan, nag-uusap pa lang tayo about sa kung paano ba mae-experience ang single life to the fullest, and ngayon, we’re already down to our last episode sa series na ito.
Pero bago tayo magsimula, alam mo ba hugs na ang ating single series ay inspired ng isang libro? Ito ay yung Lovestruck: Singles Edition ni Pastor Ronald Molmisa. Kung single ka at gusto mong maging mas matalino sa pag-ibig para hindi ka madaling mabola at mauto, highly recommended na basahin mo ang librong ito. And ang good news ay available ang libro na ito sa PCBS or Philippine Christian Bookstore Legazpi, which is our partner here in Hugot Radio.
So ayan, without further adue, mag-kwentuhan na tayo mga ka-single.
Sabi ni Eleanor Roosevelt, ang First Lady ng US, “You never know anyone until you marry them.” Kahit pa simula pagkabata ay hindi na kayo mapaghiwalay, kahit pa bestfriends kayong dalawa, hindi mo masasabing kilala mo ang isang tao mula ulo hangga’t paa. Kasi hindi lang time ang great revealer, marriage rin. Kahit pa gaano mo kakilala ang isang tao, there would always be a part of him or her na madidiscover mo lang kapag under the same roof na kayo. Nandyan ‘yung mga weird habits, at syempre mga hindi kanais-nais na pag-uugali na pwedeng lumitaw as you live with each other. Sa kabilang banda naman, meron ding mga bagay na malalaman mo about sa kanya na plus points para sa’yo. Kunwari, dahil nasa isang bahay na kayo ngayon, nalaman mo na organized pala siya sa gamit. O kaya magaling pala siyang magluto. Kaya nga tama si Eleanor Roosevelt, di mo talaga kilala fully ang isang tao until magpakasal ka sa kanya.
Kasal, marriage. Ito talaga ang dapat na goal ng kahit sinong nakikipag-date. Kasi kung hindi, bakit pa kayo nagdi-date? Bakit pa kayo nagpapalitan ng “I love you”? Para saan? Kung walang planong magpakasal ang isa sa inyo, game over na ‘yang relasyon na ‘yan. Dahil nga 202_ na, mas nag-iiba na rin ang tingin ng mga tao sa kasal. May iba na walang balak magpakasal dahil “for formality” lang naman daw. Pero anupaman ang dahilan ng mga hindi naniniwala sa idea ng marriage, ito pa rin ang paraan para magkaroon ng tunay na kahulugan ang anumang relasyon. Gusto mo ba na palipat-lipat ka na lang lagi ng partner? Na kulang na lang eh gumawa ka na ng powerpoint presentation para hindi mo na kailangang magpakilala all over again sa bawat lalaki o babaeng dadating sa buhay mo? Wala naman atang may gusto ng ganun diba? Everyone longs for someone whom they can grow old with. Habang tumatagal kasi, nawawalan ng meaning ang word na “commitment”. Ayaw mag-commit. Kapag wala na ‘yung paro-paro sa tiyan, lipat na sa iba. Ilalabas na ‘yung linyahan na, “It’s not you, it’s me”, at kung ano pang mga palusot para makaalis. People need to recognize the value of commitment – ‘yung desisyon na mahalin ang isang tao with dedication and genuine loyalty. At mangyayari lang ito kapag under na kayong dalawa ng institution of marriage.
Alam mo ‘yung kasabihang, “Hindi parang mainit na kanin ang kasal na kapag isinubo mo at napaso ka, iluluwa mo na agad.” When something is broken, you fix rather than throw it away. Ang iba kasi nagpapakasal na hindi alam ang bigat ng pinapasok nila. Kapag nagpakasal ka, sumusumpa ka sa harap ng tao at especially ng Diyos, na panghabambuhay kayong magsasama. Kaya nga diba sa exchange of vows, may linyang, “For richer and for poorer, in sickness and in health.”
Kaya bago ka magpakasal, dahil pasasaan ba’t doon ka rin naman pupunta diba, here are some don’ts bago mo sabihin ang magic words na, “I do”.
Don’t rush into marriage. Ang naglalakad nang matulin? Kung matinik malalim. Marami sa mga excited magkapamilya ay hindi pa naman talaga ready. Nag-decide na magpakasal at bumuo ng pamilya pero hindi pa naman pala matured. Hindi pa ready sa responsibilidad. Immature people tend to be self-centered and insensitive. Maraming mga teenagers na nagpapakasal tapos isang taon pa lang na nagsasama, naghihiwalay na. Meeting your husband or wife at a later age will decrease ‘yung chances na magkamali ka sa pagpili ng partner. Sabi ng psychologists, nagiging stable ang personality natin at the age of 25. Kaya ‘yung pagkakakilala mo sa isang tao ng 18 years old siya ay for sure iba na after 7 years. Marami ngang nasa later age na nagpapakasal pero nagkakamali pa rin ng partner na napipili. What more kung pareho pa kayong bata at hindi stable ang personality diba?
Next, (2) don’t get married to escape problems. Kung ang dahilan mo man ay nag-break kayo ng jowa mo at para ma-redeem ang sarili mo ay magpapakasal ka, matakasan ang problems niyo sa family, mapataas ang self-esteem, desperado ka nang mag-asawa, o kaya gusto mo lang mag-rebelde sa magulang mo, ‘wag. Lifetime contract na itong papasukin mo. Kahit nga tama ang reason ay nakaka-experience pa rin ng challenges ang mag-asawa, what more kung nagpakasal ka sa kanya for all the wrong reasons?
Siguro by now iniisip mo, ay DJ Ron, ang hassle naman po pala magpakasal, What if makipag-live in na lang po kaya ako? Nako, nako. ‘Yan din ang wag na wag mong gagawin. Ang pakikipag-live in o cohabitation, unstable ‘yan. Marami kasi sa mga tao ngayon, especially the teens, think na isang relationship laboratory ang live in na set-up. Para raw malaman kung magtatagal talaga, dapat mag-live in para makilala mo siya nang buong-buo. Para ma-test kung compatible talaga kayo. Maling-mali. Alam mo bang more sa survey na ginawa sa America, more than 80% ng nakikipag-live in ay nauuwi rin naman sa hiwalayan?
Take for example ng mga nag-live in pero hindi pa rin natuloy sa kasalan si Nadine Lustre at James Reid. Nag-live in. After 4 years ng kanilang relationship, naghiwalay. Pati na rin si Paolo Contis at si LJ Reyes. Ang dami pang sweet Instagram posts ni Paolo para kay LJ, at take note, may anak pa sila ha, pero nagawa pa ring saktan ni Paolo si LJ, to the point na wala na sa options ni LJ Reyes ang makipag-reconcile ever. Kaya nandyan pa rin at never naman talagang mawawala, ang essence ng pagpapakasal.
Marriage is an honorable act. God instituted marriage dahil kinonsider Niya na hindi maganda para sa lalaki o babae ang manatiling mag-isa forever, unless talagang may special calling ka sa singlehood. Ang pakikipaglive-in kasi, kahit ano pang sabihin ng iba, form siya of fornication o ‘yung having sex outside marriage, which is hindi kalugod-lugod sa mata ni Lord. At nako, wag na tayong maglokohan. Babae ka, lalaki siya, nasa isang bubong lang kayo, magka-share pa ng kama, tapos walang mangyayari? Walang ganyan uy. Remember, hindi lahat ng uso ay tama, at hindi lahat ng tama ay uso. Hindi nangangahulugang marami na ang naglilive-in at “norm” na ito ay gagaya ka na rin. Kung gusto mo ng panghabang-buhay na relationship, dapat pang-lifetime rin ang mindset mo. Obviously, hindi pasok dito ang live-in dahil walang kasiguraduhan na sa kasalan ang ending ninyo. Bakit? Dahil laging may mawawala – ang real commitment. Lalo na kung babae ka, ‘wag na ‘wag kang papayag na makipag-live in dahil ikaw ang malulugi kapag nagkaroon na ng produkto ‘yung pagiging productive niyo sa gabi. Ibibigay mo ang lahat sa kanya, tapos kapag nagkagipitan at na-realize niya pala na hindi pa siya ready, walang mawawala sa kanya. Pero sa’yo dahil babae ka, marami. Kaya nga girls, maging matalino sa matters of the heart.
Sabi nga natin diba, ang relationship ay partnership. Hindi ito magiging successful kung isa lang ang kumikilos. Ganoon din naman sa marriage. Hindi lang dapat siya ang ready and vice-versa. Kailangan mo ng maayos na paghahanda kung gusto mong pumasok sa buhay may-asawa. Failure to prepare for marriage can weaken the foundation for your future family. Maghanap ka ng tao na kapareho mo ng interests sa buhay, ng values in life. Yung mga stable kasi na marriages, they involve two people na maraming similarities. Kung mas marami kayong parehong katangian, the greater your satisfaction level kapag dumating na sa kasalan. Pero hep hep, bago tuluyang tumunog ang wedding bells, here is a checklist from Pastor Ronald Molmisa’s book, Lovestruck: Singles Edition, na makakatulong sa’yong mag self-reflect if ready ka na bang i-level up ang relationship ninyo sa kasalan.
Una, your commitment to your partner. Ask yourself: Kaya ko bang samahan ang taong ‘to for the rest of my life? Kaya mo bang tanggapin ang weaknesses niya, pati ang nakaraan niya? Kaya mo bang tanggapin kung bad breath siya sa umaga? Nakikita mo ba ang sarili mo na hindi masaya kung wala siya? Sure ka na ba, is it tested and proven, na siya ang binibigay ni Lord para sa’yo? Kung yes ang answer mo sa lahat ng ito, pwede nang simulan ang preparations sa kasalan. You need to be reminded na hindi mo siya papakasalan dahil lang sa strengths niya. Package ‘yan lagi. Kung may kalakasan siya, syempre meron rin siyang kahinaan. At kailangan mong tanggapin both sides of the coin. Commitment in marriage means loving your partner faithfully. Ang marriage, permanente ‘yan. Dapat ready ka rin sa price na pwedeng kapalit ng relationship na papasukin mo.
Pangalawa, your decision to leave your parents. Emotionally-separated ka na ba sa parents mo? Ito ‘yung prinsipyong kailangan mong maintindihan, kasi getting married also means being one with your husband. Kayong dalawa na ngayon ang haharap sa buhay nang magkasama. Kapag may hindi kayo pagkakaunawaan, hindi pwedeng magtatakbo ka pabalik sa parents mo. You need to address issues on your own now. Kaya nga hindi pa handing mag-asawa ang mga mama’s boys and papa’s girls. Pati rin ang mga magulang, dapat i-resolve na ang separation anxieties dahil syempre kapag bumukod na ang anak, sarili na rin niyang pamilya ang magiging priority niya. Kapag nag-decide kang magpakasal, dapat kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Dapat independent ka na. Hindi ka dapat tumulad kay Peter Pan na hindi na umalis sa pagkabata. Hindi na rin puwede ang buhay binata o dalaga. Wala na rin dapat space ang ibang lalaki o babae dyan sa puso mo. Once you get married, si wife or husband na rin ang dapat na maging best friend at confidante ng lahat ng secrets mo.
Pangatlo, your responsibilities as husband/wife. Gusto mong malaman ang design ni Lord for marriage? Punta ka sa Ephesians 5 sa Bible. Meron talagang intended na role si God para sa husband and wife. Para sa mga lalaki, kailangang handa kayong ialay ang buhay ninyo sa inyong asawa kagaya ng love na pinakita ni Jesus sa krus. Sa mga babae naman, mahalin ang asawa at magpasakop sa kanila katulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Parehong trabaho ng asawa na palakihin sa kagandahang asal ang kanilang mga anak. Alamin niyo rin dapat ang basic needs ng isa’t isa sa relasyon. Ayon kay Harley Williard Jr., sa kanyang librong His Needs, Her Needs, ito ang mga basic needs ng kalalakihan – sexual fulfillment, recreational companionship, physically active partner, domestic support at admiration. Para naman sa mga kababaihan – affection, conversation, honesty and openness, financial support, and family commitment.
Pangatlo out of five, Your emotional and physical health. Kung iniisip mo na kayang baguhin ng pagpapakasal ang past mo, mag-isip ka uli. Hindi mo puwedeng ibaon sa limot ang mga bagay na walang maayos na closure. Mas patitindihin lang ng panahon ang mga sakit ng damdamin. Pwede ka ring habulin ng traumatic experiences sa buhay mag-asawa. Kapag hindi naitapon ang emotional baggages ng nakaraan, maaaring maapektuhan ang inyong intimacy sa isa’t isa. Advisable na kumonsulta ka ng isang Christian counselor na matutulungan ka in dealing with your emotional hurts and pains. Most of all, let God heal your wounds and deliver you sa past na pinipigilan kang umusad. Mahalagang malaman ng isa’t isa ang pinagdaanan ng kanyang ka-partner. At kung Dalisay o pure ang pagmamahal mo, hindi na issue ang nakaraan. Sabi nga sa Bible, “True love covers a multitude of sins.”
Aside from emotional health, marriage also requires na maayos ang pangangatawan mo. Para sa mga babae, kailangang maging healthy para maihanda ang sarili sa pregnancy at sa pag-fulfill ng responsibilities bilang maybahay kung sakali. Hindi rin dapat sakitin ang mga lalaki dahil you are called to provide for your family. Kailangan mong magtrabaho para sa pamilya.
Pang-apat, your financial status. Isa sa mga nagiging dahilan ng stress ng married life ay ang usapin ng pera. Bakit mainit lagi ang ulo ng mga tao sa bahay? Namomroblema sa pera. Kapag butas ang bulsa, marami kang hindi magawa at kailangang mag-isip nang husto kung paano mabubuhay. Syempre pag wala kayong pera, kailangang mag-trabaho nang husto para kumita. Ang ending? Wala nang time para sa isa’t isa. Kaya nga dapat may stable na trabaho at source of income kayong dalawa. Isa pang pagkakamali ng mga mag-asawa, masyadong concerned sa kung paano magiging engrande ang kasalan. Remember, you should think beyond the wedding day. Pagkatapos ng kasalan, sa mga magulang niyo pa rin ba kayo titira at sila pa rin ang magpapakain sa inyo? Aba, tablan naman kayo ng hiya. Sa early stage ng married life niyo, pwede pa silang tumulong doon. Pero kung lagi na lang kayong asa sa kanila, bakit pa kayo nagpakasal? Ang pagpapamilya, pagtayo yan sa sarili niyong mga paa. Financial responsibility should begin before marriage. Mag-aral na ngayon pa lang kung paano mag-manage ng pera.
Lastly, your parent/household training. Maraming pamilyang wasak dahil maraming mag-asawa ang hindi handing maging magulang nang ikasal sila. Realize that if you are not ready for marriage kung hindi mo kayang tingnan ang sarili mo na maging magulang. Hindi maaaring ihiwalay sa pag-aasawa ang pagkakaroon ng anak. Kaya nga every parent should have a proper training. Learn from other parents. Get involved sa kids ministry sa inyong church. Kung may friends ka na may bonakids na, pwede ka ring mag-presenta na alagaan sila. Surround yourself with kids that you can take care of. Pwede rin kayong sabay na mag-attend ng parenting seminars and premarital counselling. Also, dapat marunong ka rin sa mga gawaing bahay. Marunong ka bang maglaba? Magsaing? Mamalantsa? Magluto? O sige, sabihin nating pwede kayong mag-hire ng katulong sa bahay, pero hindi maiiwasang kailangan mo ring gawin ‘yang mga yan. Iba ang taong ma-diskarte at marunong sa gawaing bahay. Your youth should be spent learning household chores and basic life skills. Hindi ‘yung naka-ilang upload ka na sa Tiktok, nakikipaglandian ka na sa messenger, pero nanay mo pa rin pala ang naglalaba ng underwear mo at hindi ka pa marunong magluto.
All people long for intimacy. Dahil nga emotional at relational beings tayo, normal lang ito. Basic need ito ng sangkatauhan. Kung single ka ngayon at hindi mo pa nahahanap ang Mr. o Ms. Right para sa’yo, hindi mo kailangang malungkot at magmukmok sa kanto. Hindi ‘yan sumpa na iniiwasan o pinandidirihan. It is a great opportunity para iimprove mo ang iyong sarili. On the other hand, wag din hamakin ang marriage. Kung kaya mong mag-asawa, go for it. Pero bago ka mag- “go for it” sa relationships and dating na aabot sa marriage, you should remember na ang ultimate purpose mo ay to have an intimate fellowship with God. ‘Yung personal. Lahat tayo ay created to please and give glory sa Kanyang pangalan sa lahat ng bagay. Consider the Lord as your greatest lover. Kung may mga sweet at cheesy lines ngayon ang mag-couple, si Lord meron din. Sabi Niya sa Song of Solomon 6:3, "I am my beloved's and my beloved is mine.” Kaya nga sabi ni St. Augustine, our hearts will forever be restless until it rests in God. Siya lamang ang ating palagi, ang mahiwaga, at siya ang forever na pipili sa atin sa araw-araw. Not even death can separate us from His love. Ganun ka-ganda ang pagmamahal ng Panginoon para sa atin, para sa’yo. Seek His face and surrender everything to Him. Kay Lord mo ipagkatiwala ang iyong puso. You can be sure na hindi Niya iyan ibibigay sa kung kani-kanino lang. Kaya nga ikaw rin, ngayong single ka pa, huwag mo ring ibigay sa kung sino lang ang iyong puso. Kung bored ka, learn a skill. Find a hobby. Kung malungkot ka naman, do things that make you happy. At kung gusto mo lang maramdaman na mahalin, turn to the Lord.
Kung si Lord ang karelasyon mo, single ka man at kahit married ka na, you can always be joyful. Dahil kay Lord, walang heartbreak. Hindi mo kailangang makipag-kumpitensiya sa atensyon dahil 24/7, nakikinig Siya sa’yo. Kay Lord, lagi kang panalo. Dahil ang great love ng Panginoon ay hindi kailanman maglalaho at magbabago. Seasons will change. People will change. Pero ang pagmamahal ng Panginoon para sa’yo? Hindi ito magbabago. Kumakatok si Lord ngayon sa puso mo. Tinatanong ka Niya kung gusto mo siyang papasukin sa puso mo at mag-reign sa iyong buhay. Will you open your heart and tell Him, “I do”? I hope you do.
Comentarios