top of page

Paano ba mag-move on?



how to move on
How to Move On


“It’s not you, it’s me.” “Nakakapagod ka nang mahalin.” “I need space.” Nasabihan ka na ba ng mga linyahang ito? O kaya it’s the other way around at ikaw ang nagsabi? Either way, masakit sabihin at mas lalong masakit masabihan ng mga linyang ito. After ng breakup, habang sinusubukan mo pang mag-recover sa sakit, sa gulat, ini-expect ng iba na okay ka na, na naka-move on ka na. Pero aminin mo man o hindi, there is a little hope sa puso mo – umaasa ka na magkakabalikan pa kayo. Pero what if desidido na talaga siya at wala nang balak na balikan ka? Ano na ang gagawin mo?


Diyan magfofocus ang ating series ngayon. Tapos na tayo sa “Single series”. Ngayon naman, magku-kuwentuhan tayo tungkol sa masakit na proseso mula pagbi-break-up hanggang sa pagmo-move on. Kung lugmok ka ngayon dahil sa hiwalayan ninyo, hindi mo alam kung saan ka magsisimula, let this be your start. Kahit na nawala ‘yung taong akala mong kasama mo habangbuhay, may paraan pa para maka-recover ka sa sakit at makapag-move on.


Pero before we continue, this episode, maging ang susunod pang mga episode sa “Moving on” series na ito, ay inspired by Pastor Ronald Molmisa’s book. Kung last time ay Singles Edition, ngayon naman ay ‘yung Lovestruck: Sakit No More Edition. Through this book, tatahakin mo ang landas patungo sa paghilom ng puso. Ito ay ‘yung pantanggal ng mga “ouch” moments ng post-breakup life. Pampahupa, pampakalma. This is the time to make things better. Hopefully, after ng series na ito ay mawala na talaga ang sakit sa puso mo. If you’re interested sa librong ito, you can avail it sa Philippine Christian Book store or PCBS. Also, we would like to thank our partner – PCBS Legazpi branch, which is our partner here on Hugot Radio.


So, ready ka na ba sa road towards moving on? Ang kalungkutan, dinadaanan lang hindi tinatambayan. Sadness should never define who you are. Kaya let’s start and lagyan na natin ng deadline yan sa tulong ni Lord.



Pagkatapos ng break-up, people experience a range of different emotions. Hindi lang lungkot ang nararamdaman after ng hiwalayan. Nandyan din yung galit, ‘yung guilt lalo na kung ikaw ang nakipaghiwalay, at confusion. May iba rin na relieved after ng break-up which is nakaka-confuse rin sa part mo kung bakit mo ‘yun nararamdaman. Ang iba naman, sa sobrang lungkot, parang bumaligtad ang mundo nila. Tingin din nila, wala nang mangyayaring maganda after ng break-up.


You can feel different emotions pero isa lang ang sigurado – masakit ang break-up. Hindi biro ang masaktan lalo na kung all-out ka magmahal. Lalo pa kung all this time, ikaw pala ‘yung mas nag-invest ng time and emotions. Walang natutuwa kapag ‘yung relationship na inaasahan mong pang-forever na, nawala nang parang bula. Iiyak ka talaga.


At ang mahirap pa dyan, hindi mo talaga maitatago ang damdaming nasasaktan. May ibang tao nga na kahit anong galing mag-conceal ng emotions, makikita mong bigla na lang napapaluha. Some also experience a break-up na sa sobrang hapdi, parang ayaw na nilang magpatuloy sa buhay. Affected din ang pananaw mo sa mundo at sa ibang tao. Kapag hindi na mapigilan ang paglalim ng depression, mamamanhid ang buo mong pagkatao. Ang result? Emotional anesthesia. Hirap ka nang magmahal. Takot ka nang pumasok sa relasyon. Worse, nagiging man or woman hater ang iba.


Ang break-up, may dalawang types: biglaan at inaasahan. Kapag biglaan, hirap kang i-proseso ang pangyayari dahil nga hindi mo ini-expect na mangyayari ito. Ni hindi man lang dumaan sa isip mo. Kaya nga mas tolerable ‘yung pangalawa, kasi may nakikita kang signs na papunta na sa dulo ang relasyon ninyong dalawa. Pero either way, may emotional stress na dulot ang break-up. Kahit pag-function mo sa buhay, naaapektuhan. Hirap kang makatulog, iyak dito, iyak doon, hindi ka makakain, depressed ka, at kung ano-anong ka-emohan sa buhay. At syempre mawawala ba? After break-up, nagtatangka ka rin na dumistansya sa lahat ng bagay at tao na connected sa ex mo. Kaya nga kailangang may gawin ka para malabanan ang matinding aftershock ng love trauma. Pero sa kagustuhan ng iba na maging masaya, na mawala na agad ‘yung sakit, naghahanap ng madalian at shortcut na solusyon. Pero hindi kasi ‘yan laging possible. Hindi rin beneficial. Mahirap man pero kailangan mong daanan ang malubak na proseso ng emotional recovery. Disaster man ang iyong nakaraan, hindi ibig sabihin na magiging miserable ka na forever. There is always a second chance to everything. Pwede ka pang maging masaya.


Ayon kay Pastor Ronald Molmisa, sa kanyang book na Lovestruck: Sakit No More Edition, mayroong mga tinatawag na classic break-up lines. Kaya kapag may narinig ka or nabasa na alinman dito, no need to be confused anymore. Alam mo na ang ibig sabihin nito. Kasi hindi mo matatawag na break-up ang isang break-up if hindi mo napapakinggan o kaya nararamdaman.


“Hindi na kita mahal.” Dati nilulunod ka sa mga “I love you”, pero ngayon ni makausap ka, ayaw na niya. Ang mga lalaki kasi, kapag nagdesisyon na iwan ka, malaki ang possibility na wala ka na talagang pag-asa. Napag-isipan na niya yan nang ilang beses. Decisive ang maraming kalalakihan sa bagay na ito. Iyan ang pinakamasakit at pinaka-direct na pangungusap sa lahat.


“Cool off muna tayo.” Cool off daw pero ang totoo, nasasakal na siya sa’yo kaya ayaw na niyang makipagkita. Kahit na may “me” time ang maraming kalalakihan, malaki ang possibility na tulad din ito nung una, at paraan lang talaga niya ng pakikipaghiwalay indirectly. Alam mo kasi, ang tunay na committed sa isang relasyon, hindi napapagod magmahal. Kaya ang best na gawin? Kung nagamitan ka ng linyahang ito, huwag masyadong umasa na magkakabalikan pa kayo. Kung mahal mo pa siya, okay sige try to win the person back. Pero kung nagawa mo na at wala pa ring visible sign ng pagbabalikan, move on ka na talaga.


It is not you, it is me.” Ang pinaka-gasgas na linyahan kapag nakikipaghiwalay. Ang totoo? It is not me, pero ikaw ang dahilan kung bakit naging malamig ang relasyon na ito. Isa ito sa mga grand palusot for a graceful exit. Sinasabi mo sa iyong partner, “Ako ang may kagagawan ng lahat! Ako ang sisihin mo kung bakit nangyari ito.” Pero ang totoo, ikaw talaga ang may malaking isyu sa kanya. Kaya mo lang inako ang sisi dahil ayaw mo siyang diretsuhin at baka masaktan. Tama ba?


“You are too good for me. Hindi kita deserve.” Well-crafted na linya para makita ng partner na dapat na siyang bitiwan. Mas maaayos daw ang buhay ng partner kung mawawala na siya sa eksena. Maawa raw sa sarili. Pero ang translation: I deserve better than you. Para bitawan na nang hindi nasasaktan ang partner, inaako na lang uli ang sisi. Pero kung talagang sa tingin mo ay no match ka para sa partner mo, think about this. Hindi ba nang inibig ka naman ng partner mo, tinanggap ka niya kahit pa mabaho ang hininga mo? Ngayon pa kaya? Never underestimate the capacity of your partner to understand your weaknesses.


I need space.” Ngayon naman, bigla siyang naging bed-spacer. Space lang daw muna pero ang gusto niyang sabihin, “Layo ka na sa akin. Nakakasakal ka na at ang relationship na ‘to. Magkalimutan na tayo.” Kaya si partner naman, mag-iisip siya kung saan siya nagkulang, at kung ano ‘yung nagawa niyang “intruding” sa space ng kabila.


Hindi pa ako handa sa relasyon.” May karapatan kang mag-reklamo kapag ganito. Kasi bakit ka pa niya niligawan, ginawang partner, at pinaasa, kung hindi naman pala siya ready? Pero well, may mga tao talagang built na ganyan. May phobia sa commitment. Kapag naka-experience ka ng ganito, see the good in it na lang. Isipin mo na niligtas ka ni Lord sa isang taong hindi ka pala kayang panindigan. Sabi nga diba, “There are plenty more fish in the sea.” Kung hindi man siya, marami pa naman diyan ang kayang mahalin ka kagaya nang pagmamahal mo sa kanya.


“May kailangan pa akong ayusin sa sarili ko.” Ito ang kakambal ng mga umano’y hindi pa lubusang ready na ialay ang kanilang buhay para sa minamahal. Sadyang magulo ang utak at puso. Mas mabuti nang nahiwalay ka na sa kanya kaysa madamay ka sa trahedya. Let go mo na, pansamantala kung may pag-asa pa. Hindi mo lang siya tinutulungan, beneficial din sa’yo yan. Women are not rehabilitation centers for men. Kaya ‘yung mga istorya na mala-demonyo ‘yung ugali ng lalaki, tapos kailangan lang daw ng “anghel” na babago sa kanila? Hindi ‘yan realistic. A man would not change unless siya mismo ang magde-decide na magbago. Mamaya niyan, hindi na nga nagbago, todo pa ang emotional damage sa’yo. Remember, hindi ikaw ang kailangang mag-ayos ng mga loose ends sa buhay niya. Give him/her the time na ayusin ang sarili niya.


“Mahal ko pa rin pala siya.” Kapag ganyang mahal pa pala ang ex, hindi madali ‘yan. Hindi mo naman puwedeng ipagpilitan ang sarili mo kung iba pa ang nasa puso nya. Huwag na huwag papayag na maging panakip-butas. Pwede kang tanggapin uli, pero iiwan ka rin niyan eventually dahil nga hindi siya lubos na seryoso na makipagrelasyon sa’yo. Wag na ring i-attempt na gayahin ang looks at ugali ni ex. Dahil kung mahuhulog man siya sa’yo, hindi ‘yun for the real you kundi dahil nakikita niya ang ex niya sa’yo. Mas mabuti nang sinabi niya nang direkta kaysa maging “proxy” ka.


“Wala ka nang time sa akin. Paulit-ulit na lang.” Ito naman ang typical na sentiment ng mga kababaihan. Totoo iyan, men. Mabilis natutuyo ang affection ng ladies kapag inattentive na tayo sa kanila. Napapagod din ang iyong partner. Ang relationship, give and take dapat ‘yan. Pero kung siya lang ang give nang give, at ikaw naman ay take lang ng take, aabot talaga sa hangganan ang relationship ninyo.


“Hindi ko na kayang ituloy ito. Nakakapagod kang mahalin.” Aray. Kung nasabihan siguro ako nito, 11/10 ang sakit. Either magagalit ka sa sa paratang niya or magtatanong ka sa sarili kung ikaw ba ang dahilan kung bakit naubos na ang capacity niya to love. Sabi nga ni Papa P, ni Piolo Pascual, “I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason.” Ganun ka rin. Kapag ganyan na ang linyahan, idaan ‘yan sa masinsinang usapan.


Actually marami pang ibang break-up lines. Meron din na silence lang. Hindi mo maririnig, pero mararamdaman mo. Kaya nga ang iba, bago pa man magsabi ‘yung partner, alam na nilang natapos na, kasi hindi na nila nararamdaman ang love and care. Actions speak louder than words ang peg.


Sa book ni Pastor Ronald Molmisa, tinawag niyang “Via Dolorosa” o landas ng pagdurusa ang road to recovery and healing. Mahirap man ang ma-e-experience mo pero napakaganda naman ng purpose at destination ng journey na ito. Alamin mo kung nasaan ka na sa stages na ito para masolusyunan nang maaga. Also remember na hindi linear ang recovery. Ang mahalaga, naproseso mo nang maayos ang nafi-feel mo.


Una, yung denial stage. Madalas, ang primary reaction mo sa traumatic experiences ay hindi paniniwala sa katotohanan. Dalawa ang pwedeng maganap kapag binulaga ka ng masamang balita: mamanhid ka o kaya magiging hysterical ka. Either para kang zombie na nananaginip nang gising, hirap kang i-sink in ang nangyayaro; o kaya matinding emotions ang nararamdaman mo to the point na pwede kang magkaroon ng nervous breakdown. Tandaan, hangga’t hindi mo niyayakap ang katotohanan, hindi ka makaka-move on. Ang denial ay katulad ng pagkakaroon ng matinding sugat sa kamay pero dini-deny mo kaya nauubusan ka na ng dugo sa katawan. Lying to yourself is dangerous.


Pangalawa, yung stage of anger. Mapapatanong ka sa sarili mo, “Ano ba ang nagawa ko para mangyari ito sa akin?” You ask a valid question pero hindi madaling matanggap ang sagot. Kapag hindi mo maproseso agad ang nararamdaman, magsisimula kang magtanong. At kapag hindi mo nakuha ang pinaka-acceptable na answer sa iyong question, papasok ang frustration at galit. Maaasar ka sa nangyari kasi feeling mo hindi mo deserve na pagdaanan iyon. Pwede ring i-direct mo sa sarili ang sisi dahil hindi mo nagawang matakasan yung problema. O kaya naman, ibubuga mo lahat ng sisi sa taong nakasakit sa’yo. Pa-victim effect ganun. “Bakit pa kasi siya ang pinili ko? Hindi naman siya deserving.” Nagsisisi ka na nag-invest ka ng time, emotions and effort sa kanya. Feeling mo, pinaglaruan ka at naabuso ang iyong kabaitan. Madali mong patulan ang damdaming kailangang kang makaganti sa nanakit sa’yo. Diyan mo kailangang mag-ingat. Huwag hayaang kainin ng galit ang iyong pagkatao. In the end, ikaw lang naman din ang masisira at maco-consume ng galit mo. If you can’t change your situation, then change your reaction.


Ito naman, bargaining. ‘Yung mga linyahang, “Gagawin ko ang lahat para maayos tayo, bumalik ka lang.” Kapag nararamdaman mong parang wala nang pag-asang mabuo ang relasyon, mag-iisip ka ng paraan para mabalik ang dating saya. To the extreme, ito ang yugtong parang kaya mong isangla ang kaluluwa mo sa kaaway para lang maibalik ‘yung tamis ng pag-ibig ninyo. Matindi ang desperation. Aasa ka to the max. Pipilitin mong ayusin ang lahat kahit hopeless case na. Ito ‘yung stage kung saan nagsisimula ka nang mapagod physically and emotionally. Sa sobrang pagod mo, dadalhin ka na nito sa next stage.


Depression and mourning. ”I feel so alone. Parang mag-isa na lang ako.” Habang nakikita mo ang sarili mo sa isang helpless condition, unti-unti kang matatabunan ng matinding lungkot. Iba ang bigat na epekto ng lungkot at pag-iisa. Hindi ka makakafocus sa mga gawain mo. Dahil nga ilang buwan, o ilang taon mong kasama ‘yung ex mo, you seem to be so lost kung paano magsisimula uli. Although alam mo namang magiging okay ka in the future, pero hindi mo siya ma-visualize ngayon. You’re so far from being okay. Hindi mo na alam kung paano sumaya. Kahit na ilang words of encouragement pa ang sabihin sa’yo ng friends or family mo, walang tumatalab. Kapag ganito, para kang nasa kumunoy ng kalungkutan. Unless may hihila sa’yo palabas, hindi ka talaga makakatakas sa ganitong stage. Somebody needs to assist you in the process.


Lastly, acceptance/reconciliation. Ito ‘yung time na kaya mo nang sabihin, “Wala na talaga akong magagawa. Tanggap ko na.” Matapos maubos ang luha at maisigaw ang lahat ng hinanakit, babalik ka sa reality at tatanggapin mong talagang tapos na ang lahat. Mas malinaw na sa’yo ang dahilan kung bakit kailangan kang muling bumangon. Mas naiintindihan mo na rin na kailangan mong ayusin ang mga negative aspect ng hiwalayan.

Ito yung stage na kailangan mong makarating ASAP. Pero syempre, you cannot force yourself to heal. The more na pinipilit mong maging okay, the more na nadedelay lang ang paggaling mo. Let the pain sink in. Kung kailangang daanan ang necessary sad stages, so be it. Natural dapat ang pagbangon at hindi minamadali.


Pero may good news. Binigyan tayo ni Lord ng kakayahan na malampasan ang anumang uri ng sakit. He gave us built-in physical, intellectual, emotional and spiritual healing capacities, kaya nagagawa nating mag-continue in life.


Kailangan mo munang pagalingin ang iyong spirit kung gusto mong maging maayos ang ibang parte ng iyong pagkatao. May domino effect ‘yan. Patay ang Espiritu ng mga taong walang personal relationship sa Panginoon. So what should you do? Cling to God – dahil Siya ang dakilang Life Giver. When Jesus laid His life on the cross, dinala niya rin ang lahat ng kasakitan. He is in the business of building broken lives. In fact, expertise ‘yan ng Panginoon. ‘Yung pain na nararamdaman mo ngayon, He can turn that into a blessing and use that to glorify His name. Pero bago magkaroon ng purpose ang iyong pain, you need to allow the Lord. Mag-yield ka sa Kanyang grace and power. Kapag may emotional stress, si Lord and una mong lapitan. Wag nang maghanap nang rebound para maramdaman mo uli ‘yung kilig. Hindi na nga maghihilom ‘yung sugat mo, makakasakit ka pa ng iba. Walang mas nakakakilala sa creation kaysa sa Creator. Walang mas nakakakilala sa’yo kaysa kay Lord. Kapag gumawa ka ng solusyon on your own, mapapagod ka lang. Only God knows and can fix you. True rest comes from the Lord.

A perfect example of this is kung paano sinu-sustain ni Lord si LJ Reyes sa nangyaring one-sided na hiwalayan nila ni Paolo Contis nitong August lang. LJ is a Christian and she was baptized way back 2015. Ang caption pa nga ng kanyang Instagram post - “ready to live Your life Lord and I am very much ready to serve You.” ‘Yung personal na relasyon na meron si LJ sa Panginoon, it became her fortress. Ito yung for sure nagbigay sa kaniya ng lakas na magpatuloy at piliing mag-move on sa sobrang sakit na hiwalayan nila. Ang Panginoon ang naging sandalan niya. Sa interview niya nga kasama si Boy Abunda, na-mention niya na ang nagpapatulog lang daw sa kanya sa gabi months bago sila mag-break up nang tuluyan is praise and worship songs. Nung mga panahong nasa loob pa siya ng sitwasyong iyon, si Lord talaga ang naging comfort niya. Imagine the pain na pinagdaanan niya. Hindi lang kasi ito ‘yung simpleng break-up eh. Involved na ‘yung mga anak niya. Kaya kung wala ka talagang kakapitan, wala kang masasandalan, mababaliw ka. Yung lakas ni LJ, aside from her children, kay Lord talaga nanggagaling. Ang exact words pa nga ni LJ sa interview niya, “Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.” Sa last part ng interview, makikita mong grabe ang pagpapasalamat niya sa Panginoon. It was all God-given strength. At ang panalangin niya? Wisdom from the Lord, dahil hindi niya rin alam kung paano magsisimula on her own.


Kaya higit pa man sa pakikinig sa podcasts kung paano maka-move on, o pag-search sa internet ng tips, ang pinaka-effective na way ng pagmomove on ay ang mag-reconnect ka sa iyong first love – si Lord.


Kapag naayos mo na ang relationship mo sa Panginoon, susunod-sunod na ang healing – physically, mentally and emotionally. Hihilom na ang mga sugat. Kailangan muna kasing magkaroon ng inner healing. Iwasan na rin ang mga counterproductive na gawi at emotional patterns na ihi-hinder kang mag-grow with yourself, with others, and especially with God. Remember na kung ano mang uri ng buhay na meron ka ay depende sa kung saan ka nagbababad. Gusto mong maka-recover emotionally? Magbabad ka sa presence ni Lord at ng mga taong beneficial sa’yo. Pero kung gusto mo namang maging miserable, choice mo rin ‘yan. Always choose to be happy, at ang genuine na happiness at joy ay makakamit mo lamang if you are with and for the Lord.


And, the next time na pipiliin mong magmahal, choose a man who loves God and who has a personal relationship with God. Dahil kagaya nga ng nangyari kila LJ Reyes at Paolo Contis, nagbago si Paolo. Nawala yung pagmamahal. True enough, people change. Nangyayari talaga yan. Pero if a man has God in his heart, yes pwede pa rin siyang magbago, pero ang change na ‘yun ay magiging for the better. Yes, hindi siya magiging perfect, pero lagi niyang pipiliing mahalin ka nang tama. He will always choose to love you, the way God loves him and the way God wants you to be loved.





Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page