May Chance pa ba kaming dalawa?
Ang pusong pagod, pinagpapahinga. Ang wasak na kaluluwa, pinapabuo muna. At kung nagmo-move on ka, dapat ang stress ay iniiwasan muna para hindi lumala ang emotional trauma. Mag-ipon ng magagandang karanasan. Invest on good experiences para tumaas ang iyong feel-good hormones. Kain-kainan ng mga pagkaing sagana sa protein – karne, monggo o ‘yung tinatawag na poor man’s meat, may protein din ang fish at seafood, and mga dairy products tulad ng milk or cheese. Kain muna bago magpa-counselling. Magbabad ka rin sa araw. Do something else to keep yourself from crying all day sa iyong kwarto. Eat good meals. ‘Yung cravings mo dati na pilit mong pinipigil i-padeliver sa bahay ninyo, i-order mo na. Pwede ka ring manuod ng light movies with your friends. Listen to positive music Kung gusto mong maka-recover nang mabilis, kailangan may gawin kang basic interventions – mapa-physical man ‘yan, emotional o spiritual.
Pero yes, normal na gustuhin mo na lang umiyak nang umiyak after ng break-up. ‘Yung nawalan ka na ng ganang kumain, nawalan ka na ng gana sa lahat. In short, emotionally stuck ka after ng hiwalayan ninyong dalawa. Hirap na magbukas ng panibagong chapter sa buhay. Pansin mo ba na after ng isang break-up, may “push and pull effect” na nangyayari? Una, gusto mong bigyan ka ng atensyon ng mga tao sa paligid mo. You want to feel cared for. Mas nagiging vulnerable ka at honest na kailangan mo ng kalinga ng iba. On the other hand, dahil nga fresh pa ang sugat, nagkakaroon ng trust issues. Ayaw munang mapalapit sa iba sa takot na history will repeat itself o kaya naman ay baka magmukhang sobrang kawawa sa mata ng iba. We pull people toward us emotionally pero kapag napapansin nating nagiging malapit na tayo sa kanila, we push them away. Emotional schizophrenia ang tawag dyan.
Sabi ni Pastor Ronald Molmisa, sa kanyang book na “Lovestruck: Sakit No More Edition”, may dalawang major na sagabal na kailangan mong malampasan sa pagmo-move on. By the way, if you are interested sa librong ito, it is available in any PCBS store near you. Nais din nating i-recognize at pasalamatan ang ating partner here on Hugot Radio, which is PCBS Legazpi na mina-manage ni Ate Glo.
So going back, ano nga ba ang dalawang major emotional hurdles na kailangang lampasan ng mga nagmu-move on? Una, ang limutin ang iyong feelings na you used to have with your ex. Kaso ang tanong, can you really unlove a person? Kasi hindi naman talaga eh. You can never unlove a person. Sadyang may taong darating na mas pagbubuhusan mo ng pagmamahal. Someone whom you will love greater than you ever did before. Kaya nga hindi talagang madaling mag-move on. Kasi kahit na umalis na ‘yung tao, ‘yung pagmamahal? Nananatili. Pangalawa, para sa mga nasaktan, ang bitiwan ang galit at resentment o sama ng loob na ikinapit sa dating partner. Lalo na kung ang cause ng break-up ay third party, lalong mas mahirap bitiwan ang feelings of anger. It really takes time.
Kaya nga kailangan mong tulungan ang iyong sarili. Yes, your friends and family would be there para alalayan ka along the way of recovery. Pero para talagang maghilom ang mga sugat, kailangang manggaling sa’yo mismo ang desisyon. Kasi most of the time sa panahon ng pagdurusa, you will be on your own. Sarili mo lang ang iyong maaasahan. May story sa libro ni Pastor Molmisa tungkol sa experience ng isang dalaga na nagpapatunay na kayang-kaya ng lahat na makabangon basta matutunan lang magdesisyon.
Her story goes like this:
Pinagdaanan ko ang process ng breakup. Umiyak ako hanggang sa ma-feel ko na nakaka-pagod na umiyak. Nag-seek ako ng comfort from my friends and family. Tinulungan ko rin makabangon ang sarili ko. Naglibang-libang – out of town, shopping ay nagpamake-over. Nakatulong din ang pagbabasa ko ng mga books about mending a broken heart at inspirational books that tell me na anuman ang pagdaanan kong sakit ay kaya akong pagalingin ni Lord. At higit po sa lahat, I found comfort kay God. Iniiyak ko sa Kanya lahat ng sakit. Isinuko ko uli ang buhay ko at naging open ako sa corrections at directions Niya. Nagtiwala ako na He has a better plan. At ngayon po almost two years na akong single. Masaya at excited ako sa gagawin ni Lord sa love story ko. The end.
Nakakahawa ang emosyon. Pansin mo ba na kahit good mood ka, pero kapag nakakita ka ng friend mo na down, nagiging down na rin ang pakiramdam mo? O kaya chill ka lang pero napunta ka sa isang room full of people na iritado, nagiging tense ka na rin? Kaya talagang infectious ang emotions. So kung talagang dini-desire mo na makapagmove on smoothly, umiwas sa mga taong magdadala ng “negative vibes.” Bad company corrupts good character. Iwas-iwas sa mga B.I. or bad influence. Kaya kung sasali ka lang naman sa isang grupo, doon ka na sa mga tao who can make you feel good about yourself. Una na syempre sa listahan ang mga Christians who share the same faith. Makipag-hang out sa ganitong klase ng tao nang mas madalas. Huwag hayaan ang sarili na laging mag-isa.
Diba kapag nagagalit ka, hindi ka naman nagagalit nang walang dahilan? Laging may “trigger” na tinatawag. Ganun din naman sa pagmo-move on. Beware of emotional triggers. At anong na-ti-trigger? Syempre ang memories of the past. Walang dulot ang mga ‘yan. Kailangan mong iwasan ang mga bagay na magpapabalik sa memories mo ng pait ng relasyon. Dahil kung hindi, paniguradong naka-crying mode ka na naman buong araw.
Pero meron din namang mga taong sinasadyang i-expose ang sarili sa mga triggers na ito para maging “desensitized.” Dahil laging nae-encounter ang mapapait na alaala, nasasanay na sa sakit at unti-unting nawawala. Pero hindi ganito ang case para sa majority. Kaya naman ang general rule – disiplinahin ang sarili. ‘Wag nang tumulad sa gamo-gamo na lumapit sa apoy hanggang sa nasunog na lang. Huwag nang lumapit sa danger zones kung hindi pa kayang i-manage ang emotions.
Nagbigay din sa book na ‘iyon ng listahan ng mga don’ts hangga’t di ka pa nakakamove on:
Kung magsa-sight seeing, wag na doon sa mga lugar na madalas niyong puntahan dati.
Kahit paborito mo pa ang bulalo, ‘wag na rin munang kainin kung madalas ninyong pagsaluhan dati.
Iwasan na rin muna ang mga bagay na lagi ninyong ginagawa by pair. ‘Yung mga bigay niya sa’yo dati noong kayo pa, lagay mo na muna sa isang box tapos tago mo sa pinakasulok ng kwarto mo.
Mga special dates ninyong dalawa – anniversaries, monthsary, birthdays at iba pang special occasions
Mannerisms ng ibang tao na nakita mo sa kanya
Mga amoy o style ng ex mo, mapa-style man ‘yan ng buhok, pananamit, lalong-lalo na ang pabango
Mga kantang ginawa niyong “theme songs”. Kung may dedicated siya sa’yong playlist sa Spotify, i-delete mo na kasi for sure, on repeat na naman ang ending nyan buong araw.
Kung nag-volunteer work kayong dalawa dati, iwas na rin muna sa mga tao or organizations na natulungan ninyo
Mga pelikula na pinanood
Panghuli, mga couple na sweet na sweet sa isa’t isa na pinapaalala sa’yo kung gaano rin kayo ka-sweet dati.
Syempre ‘yung mga na-mention, ilan lang ‘yan out of the many emotional triggers na pwede mong ma-encounter in the process of moving on. Hindi mo rin mapipigilan o maiiwasan ang mga trigger na ‘yan. Pero sabi nga diba, if you can’t change the situation, change your reaction. Nagma-matter kasi talaga ang attitude kung gusto mong mapadali ang proseso. Madalas kasi sa mga taong kagagaling lang sa break-up, they can see no way out. Parang wala nang chance na maging masaya uli kaya nagkukulong na lang magdamag sa kwarto. Pero ang totoo, you have a choice. Hindi mo kailangang magpakalunod sa lungkot because you can choose to be happy.
Pero hindi nangangahulugang may choice kang maging masaya ay isa-sacrifice mo na ang damdamin ng iba in the process. In short, hindi solusyon sa pagmo-move on ang paghanap ng “rebound”. Ang tendency kasi ng karamihan sa heartbroken ay biglang tumalon sa panibagong relasyon. New relationship daw ang magpapagaling sa naiwang sakit ng former lover. Mali ‘yun kapatid. Nakakita ka na ba ng athlete na injured na, sprained na’t lahat lahat pero sumugod pa rin sa laro? Wala diba? Nagpapahinga muna dahil kung sasabak na naman, lalong lalala ang injury at tuluyan nang hindi makakapaglaro. Sana ikaw din ganyan hugs. Pagaling ka muna. Never naging solusyon ang rebound sa pagmo-move on. Hindi ka na nga naka-recover, nakasakit ka pa ng iba.
Bukod pa diyan, lito ka rin. Hindi mo malaman kung totoo ba ang feelings mo o hindi. Kapag may nagparamdam ba na potential love interest, malinaw ba sa’yo na in love ka talaga sa kanya o baka naman dahil gusto mo lang ma-feel ulit kung paano mahalin? Hindi ka lang nagiging dishonest sa sarili mo. Nagiging unfair ka rin sa maaaring ka-partner mo kung hindi ka pa naman talaga fully recovered. The heart is deceitful, remember? Kaya nga nilagay sa taas ang utak dahil kailangan niyang i-guide ang heart. Don’t follow your heart, lalo na kung ang heart ay naglo-long to be cared for after ng isang mapait na relasyon. Never make decisions if you have damaged decisions. Wag magpatukso sa nakakatakam na offers ng isang panibagong relationship. Kung kailangang itali ang sarili, gawin. Magpigil. You must learn how to guard your heart. After mong dumaan ng break-up, mapapansin mo na marami talagang temptation ng panibagong pag-ibig. May mga magpapa-cute dyan sa’yo. Pero you must never yield to these things. Huwag nang mag-reply kahit pa “harmless” reply lang naman ‘yan dahil alam mo naman sa sarili mong magbubukas lang ‘yan ng panibagong heartbreak. This time, hindi ka na lang nasaktan, makakasakit ka pa ng iba.
Kaya nga matutong malaman kung kailan muna aawat at magpapahinga sa pakikipag-relasyon. Marami kang kailangang i-unlearn lalo na ang pag-iisip na happiness can only be found in relationships. Walang masama sa kagustuhang magkaroon ng kasama sa buhay, pero hindi mo dapat gawing center ng iyong buhay ang pagkahumaling sa pagkakaroon ng partner. Marami kang ipapagpag sa iyong pagkatao na hindi basta-bastang mawawala. Kailangan mo ring maibalik muli ang iyong self-esteem and dignity. You need time to process your emotions.
Madalas sa mga kanta ngayon, sinasabi kung paanong pwede mong maging pahinga ang isang tao. Pero may limitations lang din tayo. Kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao, mapapagod din ‘yan at one point dahil tao lang din naman siya. Kaya if you ever find yourself again wanting to rest, sa presensiya ka ni Lord magpahinga. Kung tinatakasan mo ang mga emosyon, ang mga alalahanin sa buhay, run to Jesus. And you will no longer find yourself escaping but resting. When you rest in the Lord, inaamin mong you are not in control at sinasabi mong, “Lord, have your way in my life.” Ito ang chance to renew your mind and spirit. Ito ang panahon para unahin at mahalin mo naman ang iyong sarili. Mag-invest muna sa sarili, para kapag dumating ‘yung time na sinabi sa’yo ni Lord na ok ka na, ok ka na talaga. Natural tendency na kasi nating ayusin ang lahat ng bahagi ng ating buhay especially relationships. Kaya nga sa paga-attempt na maayos, naghanap ng rebound at lalo lang nasira. Pero walang dahilan para mag-alala patungkol sa mga bagay na ‘to. We must trust God in everything we do.
Ngayon, sabihin nating na-overcome mo ang temptation. Hindi ka gumamit ng ibang tao para maka-move on. Pero, may bigla namang nagparamdam. Pascroll-scroll ka lang sa Facebook, tumunog ‘yung messenger mo. May notification so syempre diretso check ka. Guess what, ‘yung ex mo nasa inbox mo na naman. Isa ito sa grabeng magpalito sa mga decided na sanang lumimot sa mapait na past. Dire-diretso na sana ang paglalakad towards the path of recovery kaso tinawag ng ex. Sinasabi ng ex na “na-realize niyang hindi pala niya kayang mabuhay nang wala ka,” “wala na raw siyang ganang mabuhay simula nang naghiwalay kayo,” kaya ikaw naman, ayun napatigil bigla. Ang tanong na hinaharap mo – should I not look back and just continue walking away from him/her or lilingon ba ako at hahayaan ang mga paa kong maglakad pabalik sa kanya?
So syempre ang sagot sa tanong na ito ay yes, babalikan ko siya or no, tuluyan na akong magmomove-on. Kung alam mo sa sarili mo na hanggang doon na lang talaga, maging firm ka na sa decision mo. Pero kung confused ka pa, ibig sabihin lang nyan hindi ka pa talaga fully moved on. You need to fix yourself bago mo siya harapin. Hindi mo pwedeng kaskasin uli ang naghihilom pang sugat. Lalo na kung naisuko mo na ang Bataan, maaaring dyan na naman ang bagsak niyan kung magbabalikan kayong dalawa. Lalo pa kung miss na miss ninyo ang isa’t isa.
Isa pa, may mga nagbago sa’yo pero hindi mo sure kung may nagbago na ba sa kanya. Matagal kayong hindi nagkasama kaya wala kang idea kung talagang ayos na siya. Maling approach din na makipagbalikan para malaman mo kung naging better na ba siya. Walang trial and error sa bagay na yan. Huwag hayaang maging back to zero ka na naman. Dapat mas matalino ka na this time. Kung dati nakabara lang ang puso mo, ngayon dapat may padlock na ring kasama.
Kung ang isang option ay ang hindi pagbigay sa kanya ng chance, syempre nandyan din ang option na makipagbalikan. Kasi hindi naman lahat ng natapos na relasyon, dapat itapon. Kung ang pakikipagbalikan ang isang paraan para tuluyan ka nang maka-recover, then so be it. BUT, ISANG MALAKING BUT, kailangan mong maging extra careful kung paano mo sisimulan muli ang relationship ninyo. Hindi mo na dapat bastang binibigay ang tiwala mo. ‘Wag na ring simulan ang communication kung alam mo sa sarili mong di ka pa ready for another relationship. Ayusin na muna ang dapat ayusin.
Dito na papasok ‘yung mga tanong na, “Mas mapapabuti ka ba kung papapasukin mo uli siya sa buhay mo? Or are you better off without him or her?” Huwag nang isingit ‘yung mga what if, what if na ‘yan. You should not see the person for who he can become but for who he is. Dahil kung papasukin mo ‘yan in hopes na nagbago na siya pero tumataya ka na naman, mababasag ka na naman, and this time, magiging mas mahirap na sa’yo ang makabangon. In the end ikaw lang naman ang makakasagot sa mga tanong na ‘yan. Do things slowly at syempre ipag-pray. Mahalaga rin na i-seek ang counsel ng mga taong nasa paligid mo at nagmamahal sa’yo. Kasi sila ‘yung mas nakakakita ng sitwasyon. Sila ang makakapagsabi kung okay ka na talaga based sa nakikita nila sa’yo. Lahat ng kamalian ng nakaraan, huwag nang uulitin. Sabi nga ng ating Miss Universe Philippines 2021 Albay Representative na si Janela Cuaton, “You can fail a lot of times, you can be broken a lot of times, but if you don’t grow and you don’t reassess what’s happening with you, it’s pointless.” In short, choice mo na talagang masaktan. Hindi na natuto.
So paano mo malalaman if you’re over and done with sa iyong past relationship?
Hindi mo na madalas iniisip ang ex mo.
Hindi mo na rin profile niya ang nasa top search ng social media accounts mo.
Wala nang nagtatanong sa circle of friends mo ng ganap sa kanya.
Hindi ka na rin affected sa relationship status niya. Masaya ka pa nga para sa kanya.
Magkita man kayo ng ex mo, wala na yung resentment. Wala na ‘yung galit, at peace na ang puso mo.
Huwag hayaang magkalasog-lasog ang puso mo. Dahan-dahan sa pagpasok sa relationships. Hindi file ang puso mo na pwede mong i-attach nang unlimited. Hindi pwedeng mabilis ma-inlove dapat slowly but surely. ‘Yung hobby or interest mo na naiwang naka-tengga simula nung pumasok ka sa relasyon, i-tuloy mo uli. Magsimula ka uling makipag-mingle sa mga tao. Live and love again.
Sa mga mag-asawang pansamantalang nagkahiwalay, you can always rekindle the fire. Kahit na nag-below zero degrees pa ang relasyon ninyo, walang imposible kay Lord as long as willing din kayong dalawa na i-work out at ayusin ang relationship. Para naman sa mga kabataan na maagang nag-OJT sa heartbreak, this is the time to exercise wisdom, temperance and self-control. Makinig sa parents kung hindi ka pa allowed na makipag-relasyon. Unahin ang pag-aaral at pagsasaayos ng sarili. Kung galing ka sa break-up at may ire-restart ka, ‘yun ay ang pagtupad mo sa mga pangarap mo, hindi pag-ayos ng naudlot niyong pag-iibigan na hindi ka naman sure kung saan papunta at kung may kahihinatnan ba. Sabi ni Alfred Lord Tennyson, “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.” Pero hindi ba mas maganda kung hindi mo na kinailangang pagdaanan ang unnecessary pain if only you have waited for the right time? Sabi sa Ecclesiastes 3:11, which is a popular verse from the Bible, “He had made everything beautiful in its time.” At baka kaya hindi naging beautiful ang relasyon ninyo ay dahil hindi pa time. May season para sa lahat ng bagay. And maybe, hindi pa ito ang season para ibuhos mo ang pagmamahal at oras mo sa co-creation kundi i-direct mo ito towards your Creator, walang iba kundi si Lord. Kay Lord, never kang malulugi. Number one ka palagi sa puso Niya, ikaw lang naman ‘tong ginagawa siyang number two at minsan last pa sa listahan. Kaya kung nakakaranas ka ngayon ng heartbreak, maybe it’s God telling you, “Anak, bumalik ka na sa akin. Bumalik ka na sa unang nagmahal sa’yo.” At ang love ni Lord ang greatest love na pwede mong ma-experience sa tanang buhay mo. Walang anumang kapangyarihan sa mundo, kahit pa ang kamatayan, ang makapaghihiwalay sa’yo mula sa pagmamahal ng Panginoon. Only the Lord can offer a love like that.
Комментарии