top of page

Okay lang bang makipag-MU?


mutual understanding
Mutual Understanding


Alam mo bang hindi lang face shields at face masks ang naging uso ngayong quarantine? Meron pang isa – quaranfling. Kung hindi ka familiar sa “quaranfling”, ito ‘yung ginagawang temporary na kalandian ng marami ngayong quarantine. At saan ang punta nila para makahanap ng quaranfling? Syempre sa online dating sites. Dahil nga nag-iba na ang set-up natin, nag-iba na rin ang pamamaraan ng paghanap ng iba ng magpapakilig sa kanila. Hindi na pwedeng maki-meet up sa labas, kaya through online na lang. Nandyan ang Omegle, which is sikat na sikat ngayon sa online dating community, profoundly, near group at marami pang iba. Ang goal ng mga gumagamit? Isa lang – ang kiligin, and hopefully, makahanap ng para sa kanila. Kaso madalas kaysa hindi, hindi naman kilig ang nahahanap. Most of the time, these online dating sites are only predators na naghahanap ng mabibiktima nila para ma-satisfy ang tawag ng laman. Walang love, only lust. Kaya nga 1 out of 100 lang ang scale ng nagkakatuluyan talaga gamit ang dating sites.


Kaya nga be warned. Mahirap talagang magkaroon ng relasyon na through chat or video call lang. Akala mo maginoo siya pero bastos pala. Kinukuha lang yung loob mo para mapasunod ka sa gusto niya. Uso rin yung pag-manipulate ng sagot sa mga match-making websites. Iba pala yung ini-imagine mong kausap mo sa tunay na siya. Kaya here are some tips para sa mga nasa online dating community dyan. Una, HUWAG NA HUWAG ibigay ang tiwala at personal information hangga’t wala pang maayos na relasyon. Remain anonymous hangga’t hindi ka nakasisiguro sa tunay na identity ng kausap mo. Pangalawa, go slow. Sabi nga ng kanta ni Maja Salvador, “dahan-dahan lang”. Huwag mabilis ma-fall. Nag-goodnight lang sa’yo inlove ka na agad? Dahil lang may ka-chat ka na opposite sex feeling mo siya na agad? Huwag agad maniwala sa mga information na ibinibigay sa’yo. At wag kang makipagkita sa personal kung hindi mo pa talaga kilala ang personality at identity ng kausap mo online.


Pangatlo, dapat may offline interaction pa rin. Iba pa rin ang taong nakikita at nahahawakan mo kaysa nakikita mo lang sa screen. At kung magkikita, sa public place dapat para alam mo na, iwas sa disgrasya.

Overall, kailangang maging maingat sa paggamit ng social networking sites. The internet is a jungle. Maging matalino lagi at wag pauuto.


Pero nung normal pa ang lahat, wala pang quaranfling kung tawagin, meron na tayong MU or mutual understanding. Ito ‘yung walang mga label. ‘Yung may something sa pagitan nilang dalawa pero hindi naman sila mag-boyfriend-girlfriend. Landi lang, walang commitment. Kaya kung gaano kabilis nagkagustuhan, ganoon din kabilis naghiwalayan kahit wala naman talagang sila. And ‘yan ang challenge sa’yo ngayong araw. Sa pagtatapos ng episode natin, dapat masagot mo ang tanong na ito – okay lang bang makipag-MU? Okay nga ba? Let’s continue to find out.


Pero before we continue, ang topic natin ngayon ay inspired ng book ni Ronald Molmisa, which is Lovestruck: Singles Edition. Ito ay available sa lahat ng branches ng Philippine Christian Bookstore or PCBS nationwide. Kaya kung single ka ngayon, this book is perfect for you.


Going back, ayun na nga. Kung nag-advance ang technology sa pagdaan ng panahon, dumami rin ang level at categories ng relationship. Kasi diba dati, kung jowa mo, jowa mo. Pero ngayon, ang dami nang nagsisulputan. Nandyan ang “steady”, complicated, “more than friends but less than lovers” kuno, at ang pinag-uusapan nga natin ngayon – ang MU.


Merong interesting na kuwento sa libro ni Ronald Molmisa na Lovestruck: Singles Edition. Tungkol siya sa isang babaeng may ka-MU at nangangailangan ng advice.


Ito ang kuwento niya:


Meron akong schoolmate at friend na rin. Two years na kaming magkakilala. At first, naging crush ko yung guy na yun, and then parang nag-grow yung feelings ko for him. And ganun din daw yung feelings niya for me. In short, mahal na rin niya ako. Nalaman ko lang iyon last year. We love each other, but no strings attached. Parang magka-MU. Yung mga kilos at pinapakita niya ay parang boyfriend. Yun nga lang, walang commitment. Ayaw niya pa daw mag-GF ngayon kasi baka masaktan niya lang yung girl.


Oh wait lang, friendly reminder sa mga girls diyan ha. If a man is not ready for you now, he will not be ready anytime soon. Kaya pag narinig mo na yung linyang, “mahal kita pero hindi pa ako ready”, tumakbo ka na. Inuuto ka lang niyan.


Going back sa story, Ayaw niya pa daw mag-GF ngayon kasi baka masaktan niya lang yung girl.

Wala kasi siyang time na mailalaan sa kanya – busy sa studies, friends, varsity, at work. Working student kasi siya.


Nang malaman niyang may nanligaw sa akin, nagalit siya sa akin. Bakit daw ako nagpapaligaw? Hindi na ako sumagot. Ayaw ko na kasing lumaki yung issue. Wala naman akong balak sagutin yung nanliligaw sa akin. Minsan nga po, nasabi ko na lang sa kanya na kahit sana pagkatiwalaan niya ako. Ilang linggo rin kaming hindi nag-usap. After that, maayos naman yung pag-uusap namin. Nadagdag na lang niya na maghintay lang daw ako. Minsan may nagtanong po sa kanya kung sino daw ba ang GF niya. Ang sagot niya ay tsaka na lang daw po siya magkaka-GF kapag nakapasa na siya sa board exam. Ang tanong: Panghahawakan ko ba ang mga salitang binitawan niya sa akin na hintayin ko siya?


Oh gusto mo yon? Ayaw kang nililigawan ng iba, pero pag tinanong siya kung sinong girlfriend niya, hindi pangalan mo ang sinasagot niya? Gusto ka raw pero ikaw pa tong pinaghihintay? Nako, nako. Yan kasi ang problema sa mag-MU. Hindi naman mutual understanding ang nangyayari. Madalas, nagkakaroon ng conflict dahil nga hindi naman malinaw kung ano ba talaga. Walang label. Hindi moa lam kung saan ka lulugar, dahil una, MU kayo or magkarelasyon unofficially.


Gusto niyo ang isa’t isa, pero walang kayo. Nag-iinvest ng time, ng emotions, pero hindi mo siya boyfriend, at hindi ka rin niya girlfriend. Kaya nga kung naguguluhan ka sa ganitong set-up, wag ka nang mabigla. Dahil wala naman talaga kayong malinaw na commitment.


Malabong Usapan, ganyan din ang M.U. Implied lang yung feelings ninyo. Hindi niyo masabi nang diretsahan. Kaya nga malabo talaga kapag ganito. Hindi raw magboyfriend/girlfriend, pero nagyayakapan. Kung hindi kayo, bakit may pa-I love you sa chat? Kung hindi kayo, bakit ngumingiti ka kapag sumasandok ng kanin? Bakit binabakuran ka niya? Bakit nagseselos ka kapag may ibang babae siyang kausap? Bakit? Eh hindi naman kayo diba? Kaya malabo. Walang malinaw na direksyon kung saan kayo papunta.

MU also means, mahirap umasa. Ang unang ma-inlove at ma-attach, talo. Dahil nga hindi naman nilatag nang malinaw ang terms and conditions, hindi ka pwedeng umasa. Kung iwan ka man niya bigla at pumunta sa iba, wala kang karapatang magalit dahil hindi nga “kayo”.


Madaling umayaw. Ayan, yan ang reason kaya hindi ka rin dapat mag-imagine ng future na kasama siya. Kasi dahil nga walang commitment, kapag ayawan na, ayawan na. Walang warranty. Kapag naisipan ng isa na magback-out na, hindi mo naman siya pwedeng pigilan, dahil nga, for the nth time, wala namang kayo.


Matindi Umaray. Oh ito naman ang kasunod kapag umayaw na. Aaray ka na. At matindi ang aray. Kapag ganito kasi, hindi naman talaga long-term commitment ang hanap. Gusto lang kiligin, gusto lang ma-excite. Parang free trial lang. Kaya kapag wala na yung spark, aayaw na. At kawawa yung nagmamahal na. Dahil siya invested pala, pero yung ka-MU niya, never naman siya nakita bilang babae na makikita niyang naglalakad sa altar.


So ano bang solution sa mga MU na ito? Of course, MU din!


Matinong Utak at Ugali. Kapag hindi pa ready mag-commit, wag muna makipag-relasyon o MU man yan. Dalawa lang yan – ready ka o hindi. Paano mo malalaman kung ready ka na? Sa lalaki, hindi ka na nanliligaw ng iba. Stick to one ka na. At sa ladies naman, hindi ka na rin nag-eentertain ng ibang lalaki. Hindi yung may reserve ka. Hindi dapat ganun.


Pangalawa, maayos na usapan. Makakarating ka ba sa pupuntahan mo kung wala kang makita? Ganun din naman sa dating and relationships. Kung gusto niyong may puntahan yung M.U. ninyo na yan, dapat malinaw ang expectations. Malinaw yung boundaries. Clear dapat kung ano yung pwede niyong asahan sa isa’t isa. Dapat may commitment, dahil yan naman talaga ang nagpapaiba sa relationships. Simple lang naman eh. Kung walang kayo, wala rin dapat sweet messages, “Kumain ka na ba?”, gala na kayong dalawa lang magkasama, at wala rin dapat na bakuran na mangyari. Kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. Walang in the middle or “more than friends but less than lovers.”


Pangatlo, Maghiwalay U. Oo hugs, tama ka ng dinig. Maghiwalay na kayo. Kung pareho pa kayong hindi ready sa relationship, wag pumasok sa MU para lang kiligin. Para lang magkaroon ng paru-paro sa tiyan. Kung gusto ka talaga niyang ka-MU mo, kahit pa sabihin mong ayaw mo nang makipag-MU, ipu-pursue ka niyan. Pero kung wala lang din sa kanya, don’t be sad. Atleast alam mo nang hindi pala siya pang-seryosohan.




Kaya nga ekis talaga sa equation ang pakikipag-M.U. dahil wala siya sa tamang flow ng pakikipag-date hanggang marriage. Oh baka sabihin mo, ay marriage agad? YES, SYEMPRE KASAMA SA USAPAN ANG KASALAN. Dahil kung hindi, bakit ka makikipag-date? Bakit ka magsasayang ng oras at mag-iinvest ng feelings kung temporary lang naman pala? Edi yung mga oras na nagpuyat ka, itinulog mo na lang sana diba? Kaya nga importante ang commitment. Kasi yan ang nagdedefine kung seryosohan ba o landian lang.


So ano nga ba ang order ng isang relationship?


Casual dates with friends

Steady dates with one person

Courtship, dito na rin papasok yung boyfriend/girlfriend relationship

Engagement

And finally, marriage.


Oh diba, kahit nga may steady dates ka na sa isang tao, kailangan pa rin ng panliligaw? Yung iba kasi skip na ang ginagawa sa step na ito, which is wrong. Importante ang manligaw o magpaligaw.


Kaya naman sa mga boys na nakikinig dyan na nanliligaw o may balak manligaw, dapat mo tong tandan:


May tamang panahon sa panliligaw. Kapag napaaga ka sa pagdating sa sakayan, kailangan mong maghintay na may dumating na sasakyan. Maghihintay ka rin sa susunod na biyahe kung naiwan ka. Maaaring nababasted ka dahil wala ka sa timing. Dapat sakto lang. Learn to be sensitive. Ano ba ang priorities mo ngayon? Ano rin ang priorities ng nililigawan mo? Remember that everything is made perfect in God’s time. Kung lagi ka na lang basted, wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Move on ka na.


Manligaw na tama ang motibo. Ang iba kasi pustahan lang ng barkada, na-pressure, o kaya gusting ma-experience ang feeling ng may jowa. Kung isa dyan ang dahilan mo, wag ka na lang manligaw. Manggugulo ka pa ng babae na tahimik na nabubuhay. Manligaw ka kung sigurado at seryoso ka sa nararamdaman mo. Dahil kapag sinagot ka na ng babae, seryoso yan.


Unahing suriin ang kalooban ng liligawan. Ang ganda nagfifade, pero ang mabuting kalooban, hindi. At importante yan para maging maayos ang pagsasama ninyong dalawa. Ipagpray mo na rin na sana yung ibigay sa’yo ni Lord ay matatanggap ka maging sino ka man.


Suyuin ang pamilya ng babae. Hindi to baduy or old style. Ito talaga ang dapat gawin. Kung importante sa’yo ang nililigawan mo, importante rin na makuha mo ang basbas ng mga taong malapit sa kanya. Remember na hindi lang yung babae ang pakakasalan mo kundi pati na rin ang pamilya niya. Ngayon pa lang na nanliligaw ka, mahalin mo nang mahalin ang pamilya ng pakakasalan mo.


Be a gentleman. Ligawan ang babae sa bahay, huwag sa kanto. Pumunta ka sa bahay nila. Ipagpaalam mo. Hindi yung icoconvince mo pa siyang tumakas sa kanila. Siguraduhin mo ring mapagkakatiwalaan kayo. Baka naman kung saan-saan na kayo dalhin ng paa ninyo. Kung ano umalis ang babae, ganun pa rin dapat siya. Walang plus 1 sa tiyan. At syempre kung yaya mo, bayad mo rin. Mapag-uusapan naman ninyo ang hatian later kapag kayo na.


Display sincerity and genuine character. Madalas kasi best foot forward ang approach ng lalaki. Pero may expiration date pala ang lahat. Kaya dapat sa simula pa lang, maging totoo ka na sa sarili mo at sa nililigawan mo. Ikaw lang naman ang mahihirapan mag-maintain ng isang identity na fake naman pala.


Learn that patience is a virtue. Kung seryoso ang isang lalaki sa nararamdaman niya, magsisikap siya para mapaibig ang babae. Sabi nga diba, kung walang tiyaga, walang nilaga. Kung hinahayaan ka ng babae na manligaw, ibig sabihin lang nun, may pag-asa ka! Kaya wag kang parang sirang plaka kakatanong kung may pag-asa ka ba. Kasi kaya ka nga nanliligaw para tumaas yung chance mo na magkaroon ng pag-asa sa kanya diba?


Lastly, remember that marriage should be the goal of dating. Bakit ka manliligaw kung wala ka naman palang planong paabutin sa kasalan? Kawawa siya kung mapupunta lang siya sa katulad mong enjoyment lang naman pala ang hanap. Mas mabuti pang mapunta siya sa lalaking may future ang buhay niya. Kaya magpakalalaki ka! Man up! Dapat may plano ka na kung kailan ang kasalan kapag kayo na.


Para naman sa mga kababaihan na nagpapaligaw, remember that your heart is precious to the Lord. Kaya ingatan niyo iyan nang husto. These tips will help you.


  1. Use your powers wisely. Ikaw ang upper hand sa stage ng panliligaw. Ikaw ang may hawak sa susi ng puso mo. You have the decision to say yes. Kaya pag-aralan ang situation at wag agad ibibigay ang matamis na oo. Napaka-importante ng stage na ito. Kung hindi ka mag-iingat, ikaw ang maghihirap sa kamay ng lalaki, at panghabambuhay yan. Hayaan niyo munang magpakitang gilas ang lalaki.

  2. Know your negotiables and non-negotiables. Sabi, nawawala raw ang standards ng isang tao kapag nagmamahal. Pero also remember that you get what you settle for. Kaya naman it’s best to have standards. Sa isang papel, you can make two columns. Yung isa para sa mga bagay na kaya mong mag-compromise or yung mga negotiables at yung isa naman, para sa mga bagay na hindi pwedeng i-compromise or non-negotiables. Yung non-negotiables, hindi siya pwedeng mawala. Ito yung mga bagay na BIG DEAL para sa’yo dahil this will affect a major part of your life. Halimbawa, wala dapat bisyo dahil ayaw mong mabiktima ng second-hand smoke. Pero may mga bagay naman na bonus na lang. Kung nandyan, edi okay, pero di naman masyadong big deal kung wala. In short, pwedeng palampasin.

  3. Huwag magpaasa. Minsan kasi nanggagamit lang din ang ibang babae para sa mga luho nila. Kung hindi mo gusto, tell it straight to his face. Wag mo nang pakinabangan bago mo i-dispose. Mas matindi ang sakit if magiinvest na sila pero wala naman palang pupuntahan. Diretsuhin mo na na walang pag-asa. Yes, madidiscourage yan pero di nila yan ikakamatay.

  4. Don’t get serious too soon. Maraming babae ang excited masyado. Yung may nanliligaw pa lang pero ang dami nang iniimagine. Nakaka-turnoff din sa lalaki kung ilang linggo ka pa lang niyang nililigawan pero ang topic mo na, ilan ang magiging anak niyo, kasalan at iba pang bagay na pang-mag-asawa na. Chill lang. Mag-focus na mas makilala ang isa’t isa.

  5. Huwag i-entertain ang mga lalaking may sabit at mga unbelievers. Kung meron nang gf or married na, ekis na agad yan. Sa mga committed Christians, wala na dapat sa listahan ang hindi sumusunod at nagmamahal kay Lord. If they don’t personally know the Lord, na love itself, how will they be able to love you right?

  6. Be Sherlock Holmes. Investigate all you can. Search his background. Maayos ba pamilya niya? How is he described by the people around him? Beware sa mga warnings na possible mong makita. Habambuhay mo yang makakasama kaya dapat kilalanin mo hanggang ingrone niya.

  7. Lastly, kagaya rin ng para sa mga lalaki, marriage should be the goal of dating. Be in a relationship kung ready ka na sa family duties. Bakit ka magpapaligaw kung wala sa intensyon mong pakasalan yung lalaki? Pipiliin ka niya tapos kilig lang pala ang habol mo sa kanya? Mas okay nang manligaw siya ng isang babae na willing siyang samahan sa buhay.


Ang bottomline lang naman ng lahat ng ito, mapa-MU man, quaranfling, or ligawan stage, hindi kasama sa options ang pagmamadali. Sabi nga sa Bible, love is patient. Mapagpasensya. Naghihintay. Remember that your heart is precious to the Lord. If God is willing to give you everything, ba’t ka magsesettle sa kakarampot na atensyon? Na kilig? Sa half-cooked love? God’s attention has been on you ever since. Instead of settling for less, why not love the Lord first? At ito rin naman talaga ang instruction niya sa’yo, sa atin. To love Him with all our heart, with all our soul, with all our mind and with all our strength. Dahil ang pagmamahal na ibibigay mo sa Panginoon? Hindi lang yan babalik. It will come back to you overflowing – siksik, liglig at umaapaw.







Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page