top of page

Paano Magkaroon ng Love Life (Part 1)

Welcome or welcome back sa ating “Single” series. Tapos na tayo sa kung paano ba maging better single, at nasagot na rin natin ang tanong kung okay lang bang makipag-MU. Na-curious ka ba at gusto mong mapakinggan ang ating previous episodes? You can check them out sa ating Youtube channel and on Spotify at Hugot Radio.


Pressured ka na bang makahanap ng partner? Dahil sa edad mo, dahil malapit ka nang mapag-iwanan ng huling byahe or baka dahil sadyang pini-pressure ka ng lahat ng tao sa paligid mo? ‘Yung sa bawat pagkikita niyo, ang laging bungad sa’yo – kailan ka magjojowa? Kailan ka mag-aasawa? Kung ganyan ang nae-experience mo ngayon, worry no more dahil for today’s episode, magkakaroon ka ng idea kung paano nga ba mapapataas ang chance na makahanap ka ng partner.


Pero bago ang lahat, this episode, maging ang two previous episodes natin ay inspired ng content ng libro ni Pastor Ronald Molmisa – “Lovestruck: Singles Edition”. Base na rin sa title, perfect siya sa mga single dyan ngayon. Kaya kung member ka ng singles club, check mo na ang librong ito sa Philippine Christian Bookstore or PCBS near you. Para sa mga taga-Bicol, especially Legazpi na nakikinig, you can visit their store at Ground Floor, King's Commercial Building, Rizal corner Penaranda Streets, Legazpi City, Albay.


Alam kong naiinip ka nang malaman ang tips para magkaroon ng partner kaya naman let’s start!


Sabi ni Albert Einstein, “Women marry men hoping they will change. Men marry women hoping they will not. So each is inevitably disappointed.”

Ang mga ladies raw, nagpapakasal, hoping na magbabago ang lalaki. Ang mga gentlemen naman, nagpapakasal hoping na HINDI magbabago ang babaeng pinakasalan nila. So anong nangyayari? Hindi nagmi-meet ang expectations nila sa isa’t isa.

Ganito kasi ‘yan. Nilikha ni Lord ang babae at lalaki na may mga distinct na katangian. Kaya nga diba kapag may couple na “swak” sa isa’t isa, ang sinasabi, “Uy, you complement each other!” Ibig sabihin kahit na may pagkakaiba sila sa ugali, nagkakasundo pa rin sila. At paano magkakasundo? Syempre kapag nalaman mo na ang nais at ugali ng opposite sex, kung hindi buo ay kahit papaano, magkakaroon ka ng idea kung paano makitungo sa kanila dahil nga alam mo na ang hulma nila. Also, kung marunong ka nang bumasa ng ugali ng mga kalalakihan or mga kababaihan, it will increase, ulitin ko increase ha pero hindi assure. Tataas yung chances mo na makahanap ng partner. Itong mga traits na mababanggit natin ay generalized. Hindi automatic na lahat ng lalaki ay ganito and vice-versa.


Alam kong gusto mo nang malaman ang hulma ng mga kalalakihan, pero bago ‘yan, alam mo ba na our differences is all because of our brains? Yes – it’s all in the brain. Magkaiba ang mga babae at lalaki sa pag-process ng information. Mas malaki ang utak ng mga lalaki by 10 percent pero mas marami naman by 5 percent ang neurons sa utak ng mga babae. Kaya nga mas active mag-isip ang girls sa mga bagay-bagay.


And wait, there’s more! Diba ang reklamo ng mga lalaki, “Kayo kasing mga babae masyado kayong emotional!” tapos ang sagot naman ng mga babae, “Kayo kasi parang mga walang pakiramdam!” Brain din ang sagot dyan. Men tend to use their brain’s left hemisphere o yung logical na side ng utak nila, samantalang ang mga babae naman, parehong left and right side ng brain ang ginagamit. Idagdag mo pa na mas konti ang serotonin o yung “feel good hormones” na pino-produce ng mga kababaihan. Kaya ang resulta? Umiigting ang negative moods tulad ng anxiety disorders, panic at pagiging nega. Masinop din ang mga babae sa mga details at matindi ang memory skills. Kaya nga diba sinasabi ng boys minsan, “Ang liit na bagay napapansin mo”, kasi nga attention to detail talaga ang mga babae. On the other hand, ang mga boys naman, kapag naayos na ang isang problema, kinakalimutan na ang nangyari para makapag-concentrate sila sa ibang bagay.


Overview pa lang ‘yan kung paano nagkakaiba ang lalaki at babae. Dyan pa lang, makikita na natin na magkaiba talaga ang hulma ng ladies and gentlemen. Ngayon naman, let’s dive deeper sa characteristics ng bawat isa.


I-grupo natin sa dalawa – ang lahi ni Eba at ang lahi ni Adan.


Unahin natin sa Lahi ni Eba. Mga boys dyan na nakikinig, take note niyo itong mga characteristics na ito. Dahil one day, itong mga katangiang ito ang pakikisamahan ninyo araw-araw. Also, para sa mga girls, this will help you understand yourself more.


Emotional and Romantic. Natural na sa mga babae na mangarap ng isang prince charming o mag-imagine ng isang lalaking tall, dark and handsome na magpapasaya sa kanila. Kaya nga maraming nawiwili ngayong magbasa ng Wattpad, dahil usong-uso ‘yung mga kwento na papangarapin mo rin talagang magkaroon ng lalaking makakasama mo sa study dates, grocery dates, o kaya ‘yung tipong sobrang mahal ka to the point na ipaglalaban ka sa pamilya niya. Mala-Romeo and Juliet ang datingan. On the other hand, hindi rin maiiwasan ng mga babae na maging moody. Nakaka-influence na rin dito ‘yung period nila kada buwan. Kung madalas nafifeel mo ‘yung pagki-crave na sana may kayakapan ka, napagkukuwentuhan ng mga problema mo tapos icocomfort ka, normal na talaga ‘yun sa inyong mga babae. Prone rin ang mga babae sa emotionalism. Kaya minsan yung mga simpleng pagtulong ng mga lalaki, minsan iba na ang nagiging meaning sa kanila. Para sa lalaki, all goods lang pero si girl pala, nag-iimagine na.


Crave for words of affirmation. A way to a woman’s heart is through her ears. Iba ang dating sa mga babae ng praises and compliments. One compliment can make her bad day better. Compliment mo ‘yung hairstyle niya lalo na kung bagong gupit. O kaya ‘yung outfit na pinaghandaan niya sa date ninyo. Makaka-boost yun ng confidence nila. Wala rin namang mawawala sa’yo kung paminsan-minsan ay mag-e-express ka ng appreciation sa kanila sa Facebook o kaya sa Instagram. Pero girls take note ha. Gamitin din ang utak, wag puro puso. Dapat matuto ka ring mag-discern kung ‘yang lalaking nangco-compliment sa’yo ay genuine o baka binobola ka lang.


Matindi ang radar. Mapa-TH man yan o tamang hinala, gut feeling, pagdating sa pakiramdaman, magaling talaga dyan ang mga babae. Gaya nga ng sabi ko kanina, mas active ang utak ng mga babae kaya naman lahat talaga napapansin. Kaya kung lalaki ka at may ginagawa kang kalokohan? Hindi yan makakatakas sa radar nila. Maghanda ka na sa mahabang sermon at interrogation. Dahil nga attentive rin to detail ang kababaihan, tanda niya ang last time na nagsabi ka ng “I love you”, kailan ka huling nag-text, at maging mga special dates ninyong dalawa. Kaya kapag anniversary ninyo at nakalimutan mo, maghanda ka na.


Ladies are talkers. Nasa nature na talaga ng mga girls ang maging madaldal. Hindi kumpleto ang araw kapag walang chismis. Kaya nga rin mga babae rin ang madalas na makikita mong nagkukumpulan, tapos naghahampasan ng balikat habang nagkukuwentuhan. Verbally ang paraan ng pag-connect ng mga babae. Kaya nga minsan kapag may gusto ang isang babae, ang tendency makukuwento na niya yung life story doon sa lalaki. Wala nang pa-mysterious effect dahil nasabi na lahat.


May pagkaselosa. Ayaw na ayaw ng mga babae kapag ang partner nila ay nakikipagharutan sa iba. Tama naman. Kung committed ka na, ang kilos mo dapat ay pang-committed na rin. Tapos iwasan din na ikinukumpara ang present sa past na, o kaya sa mga artista. Maybe hindi nagsasabi sa’yo ang girlfriend mo pero may suntok ‘yan sa self-esteem nila.


Tapat kung magmahal. Exception dito ang mga babaeng nanlalalaki. Hindi normal sa girls na mamangka sa dalawang ilog. Nature nila na maging faithful sa partner nila. They understand their assignment. Kapag may commitment na, hindi na dapat nakikipag-flirt sa iba.


Longs for protection and security. Hindi dahil mahina ang mga kababaihan. Kaya nga may mga tinatawag na “strong independent woman” diba. Sa panahon ngayon, nagsstep-up na rin ang mga ladies sa roles sa lipunan na dati ay para lang sa mga kalalakihan. Pero kahit na gaano kalakas ang isang babae, gusto rin naman nilang maramdaman ang pagmamahal mula sa isang lalaki. At syempre bilang isang lalaki, aba dapat lang na kaya mong ipagtanggol at protektahan ang lady ng iyong buhay. Kaya nga girls, wag pipili ng mga lalaki na walang backbone. Kasi ang ending niyan, instead na siya ang maging haligi ng tahanan, ikaw na. Ilaw ka na, haligi ka pa. Kayo, tayong mga lalaki, we are mandated by God to protect our wives and provide for them. Gusto rin syempre ng kababaihan na sila ang pinu-pursue, na sila ang hinahanap at hindi naghahabol.

Natandaan niyo ba ang mga distinct na katangian ni Eba? Sana oo, dahil ngayon pupuntahan naman natin ang Lahi ni Adan.


Kadalasang tanong ng mga babae, “Nasaan na ang mga tunay na lalaki?” Pero actually ang tanong dyan, “Anong klase ba ng lalaki ang hinahanap mo?” Minsan kasi dahil sa mga ideals ng ladies, kumbaga sa character sa isang game, kino-customize na ang lalaki ayon sa kanilang nature. Na dapat expressive rin, cheesy, romantic, etc. Pero ladies makinig ha. If you want to feel feminine, let men be masculine.


Dahil una, rational and logical ang mga lalaki. Palaisip at palahanap ng sagot ang mga boys. Dapat may maayos na basehan ang mga sinasabi mo bago nila tanggapin. Kaya nga kapag malapit nang mahuli ni misis o kaya ni girlfriend, ang linyahan, “May ebidensya ka ba?” May pagka-manhid din ang boys. Kaya nga madalas naiinis ang ibang girls dahil hindi nahahalata ng partner nila na badtrip na sila o kaya gutom. Pero iyon na nga ang dahilan. Kung ang mga babae, sensitive, ang boys naman may pagka-manhid. Kaya wag i-assume na mind reader sila at be straight to the point.


Equipped with visual scanning powers. Walang satisfaction ang mata ng mga lalaki. Kapag may magandang babae na nasa harapan, automatic na aandar ang scanner o mga mata nila. Dahil dyan, prone rin ang mga lalaki na bumuo ng ideal na image ng babae sa utak nila. Yung 34-23-35 ang vital statistics, mala Pia Wurtzbach ang hubog ng katawan. Kaya nga men can be obsessed with their own fantasies. Dito rin nagkakasundo ang mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga babae naman, busy na magpaganda ng sarili para sa mga lalaki, lalo na sa lalaking gusto nilang pakasalan. Kaya nga importante boys, na sanayin ang sariling hindi tumingin sa mga babae with lust. Dahil sabi nga sa Bible, tinitingnan mo pa lang na may pagnanasa ang isang babae, para mo na ring iniimagine na nakikipagtalik ka sa kanya. Kaya lust is a no no.


Not really cheesy. Ang romance? Isa lang yan sa tools ng mga boys sa kanilang toolbox. Gagamitin lang kapag gagawa ng damoves sa babaeng gusto nila. At kapag nakuha, na itatabi na lang uli for future use. Tapos gagamitin uli kapag anniversary, kung anong -sary man yan at iba pang special occasions. Mahina rin ang memory ng mga kalalakihan kaya nga prone na makalimot sa anniversary ninyo. Hindi rin particular sa dates ng una niyong pagkikita, mga promises niya pati ‘yung mga pinapabili mo.


Tends to be quiet. Hindi masalita ang mga boys. May iba siguro na hindi pero yan ang natural na hulma nila. Masikreto kaya naman pati feelings nila madalas ay hindi rin nila sinasabi. Ipapakita na malungkot sila pero hindi nila i-aadmit. Minsan, sapat na para sa kanila na may nakikinig. Kaya nga ladies, huwag niyo silang pilitin at kulitin na mag-share kung ayaw pa talaga. Madalas kasi susubukan muna nilang i-solve on their own. At kapag nasolusyunan na nila, doon na nila sasabihin sa inyo. Dahil nga nature rin ng mga lalaki ang ma-pride kaya ganun. Hindi talaga expressive ang mga lalaki sa nafifeel nila through words.


Sees physical touch as an expression of love. Men show love and affection through physical touch. Many view sex as the only way to be close. Kung ang guys nagsstruggle sa stronger desire for sex, emotional intimacy naman ang desire ng mga girls. Pero hindi ibig sabihin nito na bibigay na agad ang mga babae at isusuko na ang bataan as an “expression of love”. Wag papatol sa mga linyahan ng iba na “kung mahal mo ako, papaya ka”. Dahil kung mahal ka talaga niyan, irerespeto niya na may tamang oras ang lahat. So girls, see the guys’ touch as their way of saying, “I like you” and “I care”. Pero mag-set pa rin ng boundaries dahil napakanipis lang ng linya between love and lust.


Lastly, men have a competitive spirit. Kaya nga ang sports na kinahihiligan nila, basketball, football, karera. Kaya nga hindi rin unusual na binabakuran ng guys ang kanilang girlfriend at kontrolin ang ginagawa nito. Ayaw na ayaw kapag naka-shorts ang jowa, kasi for his eyes only lang daw. Pero double standard naman. Mahigpit sa partner pero ayaw isuko ang personal freedom. Gala pa rin dito at gala doon, tapos maba-badtrip pa kapag humihingi ng updates ang girlfriend.


So diba, kaya nga hindi talaga biro ang pagpapakasal. Kailangan mong mag-adjust. God created man and woman to complement each other, pero hindi ibig sabihin wala na ‘yung adjustments, yung pag-compromise. Lahat yan parte ng sumpa mo sa harap ng altar, na sasamahan mo ang iyong partner for better and for worse, in sickness and in health.


Alam mo bang aside sa pag-adjust sa traits ng boys or girls, meron ka pang isang magagawa para tumaas ang chance mo na magkaroon ng partner? Learn to be corrected. Syempre dahil nga tao lamang tayo, we’re prone to making mistakes. May time na ico-correct ka ng friends mo, family, and kahit pa ng sarili mong boyfriend or girlfriend. At kapag everytime na kino-correct ka ay nagagalit ka at hostile sa partner mo na concerned lang naman sa’yo, hindi malabong ‘yan ang maging dahilan ng hiwalayan ninyo.


Even the Bible says that correction can help you be a better person. Sabi sa Proverbs 8:33, “Listen to discipline and become wise.” Mas nagiging matalino ka kapag pinipili mong makinig sa pagdidisiplina ng iba. Kasi minsan, may mga negative traits ka na pa lang nadedevelop na hindi ka aware. Kaya importante na magkaroon ng humble spirit that is open to discipline ang correction.


Ang una talagang mafifeel mo kapag may nagco-correct sa’yo ay ma-offend, ma-irita. Mauunang mag-act ang emosyon kaysa utak. Kaya nga one tip to accept correction is to look at things objectively. Wag agad isipin na, “ay feeling naman nito ang galing-galing niya”. Instead, tingnan din ang sarili. Kasi baka totoo naman nga talaga ‘yung sinasabi niya. Ecclesiastes 7:9 says na hindi dapat tayo quick to take offense, dahil para lang ‘yan sa mga fool, sa mga hindi ginagamit ang utak. I-put aside muna ang feelings at i-assess ang sarili.


Remember, the correction that hurts the most may be the one that you need the most. Ngayon kung uunahan ka ng pride mo, you’ll miss on a valuable opportunity para mapabuti mo ang sarili mo. Accepting correction is an important part of becoming a mature adult. Adulting ka na. Kaya hindi lang dapat edad ang tumatanda ha? Dapat pati rin ang utak. Instead na magalit ka, mag-walkout sa taong concerned lang naman sa’yo at kino-correct ka with your benefit in mind, ask God na tulungan kang i-humble down ang sarili mo. Dahil believe me one day, kapag nagpakasal ka na, ang humility ang magsisave sa’yo at sa partner mo sa mga diskusyon na hindi naman kailangan. People don’t accept their mistakes that’s why nag-aaway and why relationships end. Ano bang mas mahalaga sa’yo, ang ego mo o ‘yang partner mo?


Kaya nga paulit-ulit kong sasabihin, before you enter a relationship, bago ka maghanap ng “the one”, strive to also be the right person para sa kanya. Kung nakikinig ka ngayon at wala ka pang partner, okay lang ‘yan. You have all the time na iimprove ang sarili mo by God’s help. Para kapag ibinigay na sa’yo ni Lord ang LOML or Love of My Life mo, masasabi mong ready ka na.

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page