top of page

Paano Magkaroon ng Lovelife Part 2

Welcome or welcome back sa ating “Single series” – ang series para sa mga single. Today, pag-uusapan natin ang part two ng tips sa pagkakaroon ng lovelife. Kung last time, inisa-isa natin ‘yung mga ugali na dapat mong i-expect from your future partner, ngayon naman ay tutumbukin na talaga natin ang mga dapat mong gawin para makaalis ka na sa “title” ng pagiging single.


Ready ka na ba? Pero before we go on, i-acknowledge muna natin ang ating partner – ang PCBS or Philippine Christian Bookstore Legazpi. If you want to read more tips all about sa buhay single, I suggest na basahin mo ang libro ni Pastor Ronald Molmisa – Lovestruck: Singles Edition, which is available sa lahat ng PCBS branches nationwide. Ang book din na ito ang pinagkuhanan natin ng inspiration sa episode natin ngayong araw.


Hindi na natin patatagalin pa, simulan na natin ang pag-identify sa tips kung paano ba magkaka-attract ng partner.


Sabi ng American singer na si Stephanie Mills, “I enjoy being single, but I loved being married.” Kahit kasi gaano ka pa nag-eenjoy sa pagiging single, may unlimited freedom ka at walang humihingi sa’yo ng updates kada oras, darating din sa point na papangarapin mo ‘yung pakiramdam ng may asawa tapos sabay kayong bubuo ng pamilya. Hindi ba ang gandang isipin? Kaya nga marami ang nagtatanong kung paano sila makakahanap ng potential partner sa buhay. Actually, ang totoo ay walang magic formula para makahanap ng mapapangasawa. Kasi kung meron, wala na sanang mapag-iiwanan diba? Ang unang bagay dapat sa to-do list mo ay ilapit kay Lord ang iyong nararamdaman. Be honest about how you feel. Pero be careful. Baka sa pag-over-romanticize mo ng relationship mo kay Lord at pag-spiritualize sa buhay pag-ibig ay mawala na ang wisdom.


So paano nga ba makakahanap ng partner kung wala namang magic formula? Walang step-by-step na procedure, pero here are three things you can do para tumaas ang chances mo of getting married.


Ayon kay Pastor Ronald Molmisa sa kanyang libro na “Lovestruck: Singles Edition”, one of his major recommendations ay be intentional in meeting other singles. Have an active social life. May iba kasi na masyadong tini-take into another level ang paghihintay sa “inilaan” ni Lord para sa kanila. Na hindi raw kailangang maghanap at kusa na lang darating. Well totoo naman na hindi kailangang hanapin, for the ladies, dahil kayo dapat ang pinu-pursue not the other way around. Pero, kung hindi ka lumalabas ng bahay. Hindi ka nakikihalubilo sa iba. Kahit sa zoom meetings ay awkward ka pa rin. Paano mo mahahanap or paano ka mahahanap ng “inilaan” ni God for you? Singles should not only know where the opposite sex are but also when they are there. Kaya nga karamihan sa singles, graveyard shift ang work. Kaya nga ang payo ni Pastor Ronald Molmisa, kung gusto mong makapag-asawa, huwag kukuha ng trabaho na magpapaliit ng chances ninyo na makatagpo ng mga potential life partners. Kailangan mag-effort ka rin naman na makipag-socialize sa kapwa mo singles. Dapat intentional. You must make time to meet people para lumawak ang iyong horizon at tumaas ang number ng options na meron ka. Sa set-up natin ngayon na hindi allowed ang large gatherings, nandyan ang google meet and zoom meetings. I-seize ang opportunity na meron para magkaroon pa rin ng interaction sa iba.


Pangalawa, take care of your appearance and character. Although nagtatagal ang isang relationship dahil sa personality ng partner, hindi mo maitatanggi na lahat ng relasyon ay nagsisimula sa attraction. Syempre dahil yun naman talaga ang una mong makikita – ang physical characteristics. Kung maputi ba, moreno, matangkad, matangos ang ilong at marami pang iba. Pero ngayon nga na naka-face mask na ang lahat, sa pagandahan na lang ng mata at pahabaan ng pilikmata ang labanan. Going back, sa attraction talaga nagsisimula ang lahat. Sabi ko nga sa previous episode, visually-oriented ang mga lalaki, kaya syempre ‘yung nakakakuha ng mga mata nila ang una nilang mapapansin. Disclaimer lang ha, hindi sa pangdidiscriminate pero it is a statistical fact na inversely proportional ang weight ng babae sa kakayahan nilang maka-attract ng lalaki. Marami ang natuturn off sa mga lumba-lumba. Kaya ayusin ang diet para maging physically fit. Mag-ayos ng sarili. Huwag kang umasa na magiging attractive ka sa opposite sex kung losyang ka manamit at walang sense of fashion. Importante rin ang good hygiene. Syempre kung nasa isang relationship na kayong dalawa, tanggap na ang mga flaws sa itsura. May ibang couples nga na sabay nagdadagdag ng timbang sa mga food trip nila. Pero syempre nasa relationship na kasi ito. Eh dahil wala ka pang partner, let’s face the fact na being physically attractive really matters. Pero of course, while attraction starts a relationship, character pa rin ang nagmi-maintain dito. Kaya higit pa man sa pagpapaganda ng itsura, mas pagtuunan ng pansin ang inner beauty – ang kalooban at ugali.


Ang last tip ni Pastor Molmisa ay be realistic about your expectations for your future partner. May iba naman kasi na lagpas pa sa universe ang standards. ‘Yung tipong dapat sa paggising niya wala siyang muta, o kaya fresh breath agad sa umaga. O kaya hindi dapat tini-tigyawat. O hindi naman kaya dapat summa cum laude nag-graduate sa UP. Huwag masyadong mataas ang standards. Kasi baka maghintay ka lang sa wala. Sakto lang dapat. Hindi sobrang taas, hindi rin sobrang baba. Unreasonable expectations will decrease your chances of finding a spouse. Tigilan na ang kaka-imagine ng mala-fairytale na love story. Nasa totoong mundo tayo. Hindi ka damsel in distress para maghanap ng isang knight in shining armor, dahil una pa lang, wala na talagang ganun. Kung ikaw nga hindi perfect, why would you demand na dapat perfect ang magiging partner mo? Pero of course, hindi rin naman dapat sobrang baba ng standard para lang masabi na may ka-relasyon. ‘Yung tipong kahit red flags are waving at you, dedma ka na lang basta magkaroon ng jowa. Lahat ng standards mo kinalimutan mo na para lang masabing in a relationship ka. Kung ganyan lang naman, mas mabuti pang maging single ka na lang muna. Kaya nga may standards na kailangang i-set dahil kailangan din nila iyong abutin para makuha ka. Take note. Desperation often results in impatience. Impatience leads to wrong decisions.


So that’s it. Iyan na ang three major recommendations na pwede mong gawin para makaalis na sa linya ng mga single. Be intentional in meeting other singles, take care of your appearance and character, and be realistic about your expectations for your future partner.


Ngayon naman, let’s say may nakikitaan ka ng potential na maging partner. ‘Yung napapasabi ka na, “Oooh, parang pwede ha.” Tapos pasok naman siya sa standards mo. Kailan mo ba malalaman kung talagang siya na ang para sa’yo? Well hindi mo naman talaga masasabing siya na talaga unless nagpalitan na kayo ng “I do” sa harap ng Diyos at mga witness sa inyong kasalan. Hangga’t wala pang kasalang nangyayari, hindi mo rin talaga masasabi. Kagaya na lang nung nakita ko sa Facebook. Ready na ang lahat para sa wedding. Ang naghanda ng lahat? ‘Yung babae. Mula wedding gown hanggang sa reception, ready na. Naghihintay na lang talaga sa araw ng kasal. Pero guess what, one day, isang araw bago ang kasal, nag-confess ang partner nitong si girl na hindi na siya tutuloy sa kasal. Kung hindi ako nagkakamali, third party ang reason ng hiwalayan. Biruin mo ‘yun. Parang wala nang mangyayaring mali kasi isang tulog na lang sana eh. Pero things happen, kaya you never really can be sure. Pero kung ang tanong ay paano ma-confirm yung “feeling” mo na baka nga siya na talaga, meron kang ilang bagay na kailangang tingnan.


Kung kanina may tatlong way sa pag-increase ng chances of having a partner, ngayon naman meron uling tatlong paraan para ma-confirm ‘yung feeling mo kung siya na ba talaga.


Simple lang, tandaan mo lang ang 3 C’s na ito.


Una, Conviction. Ito ang matinding paniniwala sa iyong nararamdaman. ‘Yung alam mo sa sarili mong mahal mo talaga siya. Kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo. Kahit na i-discourage ka pa ng iba sa kanya. Kahit pa minsan nakakatakot mag-invest ng feelings at mag-commit. Siya talaga. Kilala niyo na ang isa’t isa, weakness and strengths, at maging ang past ninyong dalawa. You cannot see yourself satisfied without having that person as your partner. Hindi mo ma-imagine na hindi siya ang sasalubong sa’yo habang naglalakad ka papuntang altar. Hindi ka mapapakali kung hindi siya ang kasama mo sa pagtanda. Yan nga raw ang tinanong ni Pastor Molmisa sa sarili niya nang mag-propose na siya sa asawa niyang si Gigi. Hindi niya makita ang sarili niyang masaya kung hindi si Gigi ang makakatabi niya sa kama sa pagtulog, at katuwang niya sa ministry. Kaya totoo talaga ang kasabihan, “You don’t marry someone you can live with, you marry the person who you cannot live without.”


Pangalawang “C”, Counselling. Hindi lahat ng bagay ay reach ng iyong nararamdaman at naiisip. May mga bagay na nakikita ng iba na hindi mo napapansin. Kaya nga kailangan mong humingi ng payo sa kanila. Kapag in love kasi, ganyan talaga. Wala nang nakikitang mali sa sitwasyon o sa partner. Puro na lang mga paru-paro. Mga payo ng tao sa paligid mo ang makapagpapabalik sa’yo sa reyalidad. A wise person seeks counsel. Ang pakikipag-usap mo sa friends, parents mo, counsellor, o pastor will give you a bigger picture kung ano na bang nangyayari sa lovelife mo. Humingi ng tips sa trusted circle mo. Higit at una sa lahat, seek God’s wisdom. At saan ‘yan mahahanap? Syempre through praying and sa pagbasa sa salita Niya, sa Bible. Also remember na maging open-minded sa mga marereceive mong feedback sa iba. Huwag ma-offend kung sabihin man nila na may nakikita silang hindi maganda sa nagugustuhan mo. Dahil baka ‘yun naman talaga ang totoo at nabubulag ka masyado ng pag-ibig mo. Habang humihingi ng payo, be teachable.

At ang third and last “C”, Circumstances. May mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin kailanman pinaplano pero nangyayari. ‘Yung tipong kahit maging kontrabida pa ang iba sa love story ninyo, staying strong pa rin kayong dalawa. May iba rin na nagkakahiwalay pero sila rin ang nagkakatuluyan sa huli. Pero may iba naman na nagkatuluyan pero hindi pala sila ang para sa isa’t isa. Kaya nga sinasabi rin ng iba na ang ibang tao, journey lang. Nakasama mo para bigyan ka ng lessons in life. Pero hindi sila ‘yung taong destination mo talaga. They’re the journey, but not the destination.

Kagaya ng story ni Heart Evangelista at Jericho Rosales. Kagaya ng ibang teenagers, they also fell in love with each other. Pero mala-Romeo and Juliet ang story ng dalawa. Heart confessed in one interview kung bakit sila naghiwalay ng sinabi niyang “one great love” niya na si Jericho. Pinaniwala si Heart ng parents niya na nag-cheat si Jericho sa kanya. And nung time na mag-eexplain naman si Jericho ng sarili niya, hindi sinabi kay Heart ng parents niya na naghihintay si Jericho for 5 hours already sa baba ng condo unit ni Heart. Kinalaunan, nalaman na lang ni Heart na hindi pala totoo na nag-cheat sa kanya si Jericho. Pero it’s all in the past now, dahil happily married na si Heart kay Chiz Escudero na ngayon ay governor ng Sorsogon. Si Jericho naman ay married na rin sa wife na si Kim Jones. Si Heart and Jericho ang perfect example ng linya ng The Juans sa isa sa mga kanta nila – “pinagtagpo pero hindi itinadhana”.

Kaya nga maraming naniniwala sa “tadhana”. Kasi kapag nagkaisa na raw ang universe at ang kalangitan para dalhin ang dalawang tao sa sitwasyong para talaga sa kanilang dalawa, wala nang makakapigil.

Pero kung may pinaghihiwalay ng “tadhana”, meron din namang pinagtatagpo. “Love is sweeter the second time around” ika nga ng iba. Kagaya ng nangyari kay Maja Salvador. Nung 2018, tinanong si Maja kung mahuhulog ba siya uli sa isang ex. With full conviction, sinabi ni Maja na hindi. A relationship is over daw once it has already ended. “Kasi, once na tapos na po ako dun sa relationship na yun, tapos na po talaga”, sabi pa niya. Pero guess what. Isang taon after ng interview na ‘yan, si Maja mismo ang sumira sa sarili niyang rule. Nakipagbalikan siya sa kanyang ex na si Rambo Nunez ngayong 2021. The two were first in a relationship nine years ago. Sabi pa nga ni Maja sa pakikipagbalikan niya kay Rambo, sa tingin nya raw ay worth it naman ito. Hanggang ngayon, sila pa ring dalawa.

Kaya mayroon talagang mga pangyayari na magsisilbing confirmation. Yung tipong palagi na lang kayong nagkikita sa gatherings, nagkakasalubungan, same church ng ina-attendan, etc. Discern these events. Kung ang niloloob mo ay ang kalooban ng Diyos, all things will work together for your benefit.

Pero totoo nga ba talaga ang destiny? Meron ba talagang specific na tao, na kahit sino pa ang makasalubong mo sa daan, siya talaga ang para sa’yo? Hindi siya madaling sagutin kasi kung oo, ibig sabihin, wala ka nang choice na mamili kung sinong mamahalin mo. Wala ka nang free will. Kaya nga dapat ay maintindihan mo ang balance between the will of God and ang free choice ng tao.


Si Lord kasi, even though he has sovereign wisdom and power, at Siya ang in-charge sa lahat ng bagay, hindi niya tayo ginagawang robot na sunud-sunuran sa Kanya. He gave you the freedom of choice. Choice na mamili ng mga gagawin mo, maging ng taong gugustuhin mo. You can either obey or disobey ang will Niya over your life. Pero dahil nga nature na natin ang pagiging makasalanan, nahihirapan tayong sunduin ‘yung gusto ni Lord. Ang solution? Isuko mo kay Lord ang iyong buhay. Leave your sinful self. I-align mo ang takbo ng isip mo sa gusto Niya para maintindihan mo talaga ang plano ni Lord para sa’yo.


You can have the best partner na ni-reserve ni Lord para sa’yo, kung, IF AND ONLY IF, susundin mo ang Kanyang kalooban at magsabi kang, “Jesus take the wheel”. Sabi nga sa Psalm 37:4, “Delight yourself in the Lord, and He will give you your heart’s desire.” The more na mas napapalapit ka sa Panginoon, the more mong isi-seek ang will niya at gugustuhin na rin ng iyong puso ang kagustuhan Niya. And remember, kailanman ay hindi gusto ni Lord na mapasama ka. Pero mayroong “permissive will” ang Diyos. He respects your decision, kahit pa ito ay magkasala. He can permit sin to occur pero syempre may negative na consequences yan. Kaya maaaring hindi mo makuha ang “the best” na inilaan ni Lord para sa’yo. Kaya nga sabi ni Paul, “everything is permissible but not beneficial”. Pwede mong gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay makakabuti sa’yo. Pero wag panghinaan ng loob. Pwedeng nakagawa ka ng kahiya-hiyang kasalanan dati. Pwedeng nag-engage ka sa maling relationships in the past. But remember. Anuman ang nagawa mong mali, kayang-kayang i-restore ni Lord ang buhay mo. He can make all things work together for your good, kung genuinely, sincerely, talagang mamahalin mo ang Panginoon.




Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page