Paraan kung paano mo malalaman kung mahal ka ng isang lalaki
Matagal-tagal na kayong nagde-date at tuwing magkikita kayo, napakasaya. Lahat ng lugar na pinupuntahan ninyo ay parang napakaganda. Palagi mong gustong makasama siya, di ba?
Pareho kayong in love sa isa't isa at gusto mo nang maging mas maganda pa ang inyong relasyon. Gusto ninyong umusad at maging seryoso na sa isa't isa. Bago kayo umusad, kailangan mong malaman kung siya nga ba ay totoong in-love sa iyo gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Paano mo malalaman na siya ay totoong, lubos, at malalim na in-love sa iyo at ikaw lang ang pinakamahalaga sa kanya?
Narito ang 7 paraan kung paano mo malalaman kung mahal ka ng isang lalaki:
7. Lagi siyang maghahanap ng oras para sa iyo.
Wala kang maririnig na "Busy ako" mula sa kanya dahil mahal ka niya at ikaw ang kanyang pangunahing prayoridad. Kahit na busy siya, lagi ka pa rin niyang iniisip. Kahit hindi kayo laging magkikita o maguusap ng matagal, lagi ka pa rin niyang ichi-check kung okay ka ba o kung buhay ka pa. Lagi ka niyang kakamustahin kahit sa maikling tawag, text, o email, at hindi mo ito kailangang hilingin; ibinibigay niya ang kanyang atensiyon ng kusa.
6. Ibabahagi niya sa iyo ang kanyang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Kapag naging komportable na siya sa iyo, hindi siya matatakot na ibahagi ang kanyang nakaraan, kasama na ang mga pagkakamali niya, ng kusa. Hindi lang ang nakaraan, kundi pati ang kasalukuyang mga pangyayari, hihingi siya ng iyong opinyon at pahintulot, ibig sabihin ay mahalaga sa kanya ang iyong saloobin. Kapag mas tumindi ang inyong relasyon, ibabahagi niya rin ang kanyang mga plano para sa hinaharap, kabilang ang plano tungkol sa inyong pagsasama at pagsasagawa ng pamilya.
5. Gusto niyang marinig kang magsalita palagi.
Maari kang mag-share ng iyong mga hinanakit, kwento, problema, at mga pangarap, at handa siyang makinig sa lahat para sa iyo. Tinatawanan ka niya sa mga nakakatawang kwento mo, pupunasan ang iyong mga luha kapag ikaw ay malungkot o takot. Bibigyan ka niya ng solusyon kung kinakailangan. Sa madaling salita, palagi siyang nandiyan para sa iyo.
4. Ipinapakilala ka sa kanyang mga kaibigan at pamilya.
Kung totoong mahal ka niya, isasama ka niya sa mga lakad ng kanyang mga kaibigan. Kapag nasama ka sa mga pagsasaluhan, ipakikilala ka niya sa lahat ng makakasalamuha niyo, at marahil ay dati na niyang sinasabi ang maganda tungkol sa iyo sa kanila. Hindi siya mahihiya na ipakilala ka sa kanyang mga magulang. Tiwala siya sa sarili at confident na ikaw ay mabuti para sa kanya.
3. Kilala ka niya mula sa loob at labas.
Kung mahilig kang tumawa, gagawa siya ng paraan para mapatawa ka. Kung may problema ka, malalaman niya. Hindi siya aalis hanggang hindi ka siguradong okay ka na. Hindi ka niya guguluhin, ngunit handa siyang makinig kapag handa ka nang magkwento. Magugulat ka kung gaano ka niya kilala kahit hindi mo sabihin.
2. Magiging magkaibigan kayo.
Masaya ito kapag ang taong minamahal mo ay kaibigan mo rin. Walang sikreto sa inyo at hindi mo na kailangang mag-pretend. Hindi ka na magtatago dahil alam na niya ang lahat tungkol sa iyo.
1. Ang respeto niya sa iyo ay walang kapantay.
Ang respeto niya sa iyo ay ang pinakamahalaga sa kanya. Kung mayroong taong hindi rumespeto sa iyo, ipagtatanggol ka niya. Kahit sa sarili niyang kagustuhan, ipoprotekta ka niya, pati na sa anumang pisikal na panganib. Hindi ka niya sasaktan sa anumang paraan. Kung ang lalaki ay ito lang ang habol sa iyo, hindi siya totoong nagmamahal. Ang tunay na nagmamahal ay handang maghintay sa tamang panahon. Huwag magpalinlang sa mga salitang "Kung mahal mo ako, gagawin natin ito." Kung totoo ang pagmamahal niya, ang respeto ay palaging nasa isip niya at laging ipinaglalaban niya ito, hindi lamang sa ibang tao kundi pati na rin sa kanyang sarili.
Laging tandaan...
Ang pagmamahal ay matiyaga (naghihintay, hindi mainipin), habang ang libog ay naghahanap ng agarang kasiyahan.
Ang pagmamahal ay mabait, habang ang libog ay magaspang.
Ang pagmamahal ay hindi nagmamadali ng sariling paraan, habang ang libog ay nagmamadali.
Sa katunayan, ang libog ay kabaliktaran ng pagmamahal.
Comentários