top of page

Confidently Beautiful with a Heart



Confidently Beautiful with a Heart

Nasubukan mo na bang sumali sa beauty pageants? Nangarap na maging kagaya ni Catriona Gray at Pia Wurtzbach? O kaya na-experience mo na bang mag-perform – kumanta o sumayaw sa harap ng maraming tao? G na g ka ba laging mag-unmute ng mic at mag-recite sa klase? Or naglakas loob ka na bang manligaw? Kasi kung nagawa mo ang isa sa mga na-mention ko, aba congrats! Hindi lahat ng tao kayang gawin ang mga bagay ‘yan. Ikaw ba naman rumampa sa harap ng maraming tao diba, all eyes on you. Kailangan kapag sumali ka sa isang beauty pageant, talagang confident ka. Sabi nga ni Pia Wurtzbach sa kanyang winning answer na nagpapanalo sa kanya as Miss Universe 2015, “confidently beautiful with a heart.” Sana all confident. Sana lahat talaga, kasi confidence will take you a long way. Halimbawa na lang, simplehan muna natin, lalaki ka. May gusto kang babae, eh kaso inunahan ka ng kaba. Naduwag kang manligaw. Hindi ka tumuloy. Ang ending, naunahan ka tuloy ng iba na manligaw sa babaeng gusto mo. Dahil naging confident siyang manligaw, sinagot siya. Paano ka nga naman kasi sasagutin kung wala kang confidence in the first place na mag-confess diba?

Isang scenario lang ‘yan sa maraming pwedeng mangyari kapag hindi ka naging confident na gawin ang isang bagay. Sabi nga diba, “The most beautiful thing you can wear, is confidence.” Ina-allow ka ng confidence na ma-experience ang mga bagay-bagay.


Pero as the saying goes, some things are easier said than done. Ganun din sa pagiging confident. Madaling sabihin, mahirap gawin. May anim na traps kang kailangang iwasan.


Nandyan ‘yung una, mga boses sa sarili mong utak na nagsasabing hindi mo kaya. Kasama na dyan syempre ‘yung mindset mo mismo na hindi mo kaya. So ang ending, hindi mo na sinubukan dahil nga feeling mo, hindi ka equipped or skilled enough para gawin ang bagay na ‘yun. Paano mo malalaman kung hindi mo gagawin ang unang step diba? Easy way out ang pagba-backout na lang without trying anything. Hindi pa man nagsisimula ang laban, loser ka na agad, talunan. Hindi ka dadalhin niyan sa kung saan. It takes a huge amount of courage and confidence na mag-go. Pero sa mga mahihirap din na bagay naghihintay ang greater rewards. Parang investment lang sa stocks. The bigger you invest, the greater the money you will get.


Pangalawa, feeling mo, masyadong mahirap abutin ang goal mo. Masyadong malaki. Para kang nage-extend ng kamay mo sa langit para maabot ang mga bituin. Well, nakaka-depress naman talaga at demotivate kapag iisipin mo kung gaano kalayo ang goal mo sa reality na meron ka ngayon. Halimbawa, gusto mong maging maging professional dancer, kaso parehong kaliwa ang paa mo. Gusto mong mag-enroll sa isang dance class pero iisipin mo pa lang na mag-sign up, gusto mo nang umatras dahil parang imposible naman. Ikaw na matigas pa sa bato ang katawan, magiging magaling sumayaw? Hep hep, kaya nga may tinatawag na baby steps. Hindi ka naman talaga makakarating sa isang goal agad-agad, pero hindi imposible. Iba ang mahirap sa imposible. At kung parehong kaliwa ang paa mo at gusto mong maging professional dancer, it only takes confidence para maihakbang mo na yang first out of many steps na tatahakin mo, for you to be closer to your goal.


Pangatlo, nangunguna sa sitwasyon. Ina-advance ang panalo kaya tuloy natatalo. Halimbawa sa isang volleyball game. Naipanalo niyo ‘yung unang set. Tuwang-tuwa na kayo. Hindi na nag-practice kasi ang nasa isip, easy na lang naman mapanalo ang second set, sure win na. Eh kaso, dahil nga pinangunahan na ang mga sarili, natalo sa second set. At nagdire-diretso na hanggang third which is the last set. Ang confidence hindi lang kasi ‘yan paniniwala sa sarili. Para kang nag-take ng isang exam which you did not study for. Sabi ka lang nang sabi na, “kaya ko ‘to.” Kaya lang paano ka naman makakasagot kung wala kang ipinasok sa coconut mo? Kahit anong piga mo dyan, wala kang mapipiga dahil nga hindi ka naman nag-aral. Tandaan, step-by-step discipline builds confidence. Confident ka kasi alam mong naghanda ka at may ginawa ka.


Pang-apat, pagso-solo flight. Trap ‘yung pag-iisip na hindi mo kailangan ng iba, na walang support system at hindi rin nagsu-support sa iba. Hindi lang virus ang nakakahawa, confidence rin. Kaya if you want to work on being confident, i-encourage mo rin ang iba. Bumuo or mag-join sa isang circle na hindi naghihilahan pababa kundi magkakasabay na gustong mag-succeed. Iwasan din ‘yung mindset na gusto mong ikaw lagi ang magaling at nagwi-wish ka sa ikababagsak ng iba. Kapag kasi nafi-feel naman ng tao na genuine ka on wishing and rooting him or her well, what reason is there para hindi ka niya suportahan pabalik diba? Unless crab mentality ang meron siya, iwas-iwas ka na lang at doon ka sa healthy ang friendships.


Pang-lima, paninisi sa iba. Putting the blame on others. Laging tinatawag si KC Concepcion. “Ikaw kasi (KC), ikaw kasi(KC)!” Confidence also means taking responsibility for yourself at sa behavior mo. Paano ka magiging confident kung sa bawat pagkakamaling magagawa mo, ready ka na agad ibato sa iba? Kapag nakagawa ka ng pagkakamali, ‘wag mo ipasa sa iba. Own up to your mistake. At kahit gaano mo naman kasi iwasan ang magkamali, magkakamali at magkakamali ka. Kaya instead of putting the blame on others, aminin, i-recognize ang pagkakamali, learn from it and move on. Huwag kang matakot magkamali. Matakot ka kapag wala, kasi ibig sabihin stagnant ka na. Hindi ka na nag-iimprove. Making mistakes gives room for improvement.

Lastly, blind optimism. ‘Yung mindset na dahil confident ka na, puro na lang rainbows and butterflies ang buhay. Walang ganun. Haharap at haharap ka pa rin sa mga setbacks sa buhay. Ang pagiging confident, hindi ‘yan ‘yung pag-iisip na everything will be okay no matter what. Kasi sa true lang tayo. Ang daan sa success, hindi ‘yan straight na linya. Lubak-lubak ‘yan, zigzag pa nga minsan. Confidence blooms kapag inamin mo sa sarili mong hindi magiging madali ang lahat, kaya instead of blindly hoping for the best, maghahanda ka.


Ang sad reality lang ngayon is mahirap na ngang maging confident, sariling pamilya mo pa ang magdo-down sa’yo. Hindi mo masasabing kumpleto ang childhood mo as a Filipino kung ni minsan, hindi mo na-experience ang ma-ikumpara. Andyan ‘yung linyahan ng tita mo o kaya mismong magulang mo pa nga na, “Bakit hindi ka gumaya kay ganito? Magaling sa Math” o kaya iqu-question ‘yung sarili mong skills at ipapamukha sa’yo yung kaya ng iba na hindi mo kaya. Pero what many parents, or relatives fail to realize is that, may iba’t ibang strengths and weaknesses tayo. Kaya kung isa ka sa parte ng pamilya na nag-e-encourage ng toxic competition, itigil mo na ‘yan.


May conversation ‘yung kakilala kong teenager sa lola niya. Itago natin sa pangalang Kathleen. Itong si Kathleen, sinabihan niya ‘yung lola niya na iwasan ang pagco-compare sa kanilang magpipinsan. Kasi nag-open dito kay Kathleen ‘yung mga pinsan niya ng nafi-feel nila kapag kinukumpara sila sa kanya. Na kesyo gayahin siya na laging may honors, laging nage-excel sa acads, magaling sa English, etc. Apparently, itong si lola, ginagawa ‘yun para ma-motivate ‘yung mga pinsan ni Kathleen na magpursige rin sa pag-aaral nila. Maganda naman sana ang motive. Pero tandaan na hindi tayo pare-pareho ng acceptance at pag-process sa ganitong mga bagay. May iba na mamo-motivate to do better pero ang iba naman, kagaya ng sa case ni Kathleen at mga pinsan niya, may kurot sa confidence nila sa sarili. Kagaya nga ng sabi ko kanina, iba-iba tayo ng forte. Pwedeng si Kathleen magaling sa English, pero ‘yung isa niyang pinsan, Mathematics pala mag-eexcel. Kaya hindi nagmi-make sense na mangumpara.


May dalawang bagay kasi na dapat ayusin kapag ganito. Una, iwasan na ‘yung habit ng pagco-compare in front of many people. Kasi kung ikaw ba naman ipamukha sa’yo na someone is better than you at sabihan ka pa na bakit hindi na lang gumaya sa taong iyon – sa harap ng pamilya niyo, malakas na blow ‘yun sa pride and self-esteem. Instead na i-broadcast ang saloobin sa isang tao, bakit hindi na lang i-approach personally ang taong iyon instead na gawin siyang topic at kung sino pa man sa mga reunion at family gathering? Pangalawa, kung talagang concerned ka sa taong yun, sundan mo ng affirmation ang constructive criticism, suggestion, or kung ano mang gusto mong itawag. Basta tell him or her something na makakapagpa-lift up sa spirit niya after ng masinsinang session ninyong dalawa. Para naman may makatulong sa kanyang mag-bounce back. Also remember to break it to him or her gently.


Sa totoo lang, hindi talaga ako agree sa unhealthy competition na kagaya nito. Never ending kasi eh. Magsisimula sa magkakapatid ‘yung kumpetisyon, tapos hanggang sa mga anak nila, competition pa rin ng kung sino ang pinakamatalino, maganda, matangkad at marami pang point of comparison na unnecessary. Kayo mismo ang gagawa ng barrier among those children. Mai-instill sa isip nila na kailangan nilang matalo si ganito, si ganyan. At hanggang sa mga magiging anak din nila, mapapasa ang toxic na kaugaliang ‘yan. Kaya sa’yo pa lang mismo na nakikinig, ikaw na ang magputol ng tradisyon na ganito para hindi na mapasa pa sa susunod na generation.


Isa pang toxic trait. Alam mong sa Pilipinong pamilya ka lumaki kapag laging may comment sa katawan mo. “Uy ang taba mo na ha!” “Wow, hindi na siya chubby!” o kaya “May napabayaan sa kusina oh!” at marami pang toxic comments. Hindi ka makakaalis ng reunion na walang comment sa katawan mo. Big deal kung tumaas ang timbang mo. Big deal din kung pumayat ka. Nag-gain or lose ka man ng weight, may masasabi pa rin sila. Eh ikaw, lalo na kung teenager ka, hindi mo naman pwedeng sabihan ng, “Eh bakit po kayo, pataba nang pataba?” kasi masasabihan kang disrespectful at walang modo. Tapos ipapasa pa ‘yan sa magulang mo na kesyo hindi tama ang pagpapalaki sa’yo, where in fact pinapakita mo lang naman sa kanila ang mismong treatment nila sa’yo. So kapag ikaw ang sinabihan ng remarks sa katawan, okay lang. Pero kapag nag-rebutt ka, problematic child ka na.


Families are meant to support each other, hindi ‘yung gumagawa ng comments and comparisons na hindi naman kailangan. Iba kasi ang constructive criticism sa wala lang kayong mapag-usapan kaya pinagsasabong ang mga kamag-anak in terms of success, ganda ng katawan, income and many more. At ikaw din naman na sinasabihan ng comment na alam mo namang makakatulong sa’yo, be open and accepting sa rebuke. Kagaya nga ng sabi ko kanina, making mistakes build up confidence, dahil nagkakaroon ng room for improvement.


So, paano nga ba talaga maging confident? 8 quick ways


  1. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Madalas kasi ikaw lang din ang nagli-limit sa kung anong kaya mong gawin. Change your mindset. Mahalin ang sarili. Kasi if you love yourself, maniniwala ka sa potentials mo. Diba kapag nagmamahal ka, all out ka sa pag-root at suporta sa taong ‘yun? Kapag nadi-discourage siya ng thoughts niya, nire-remind mo siya of what he or she can do. Why not do it to yourself? Mahalin mo rin ang sarili mo. Maniwala kang kaya mo. Part din ng pagmamahal sa sarili ang pag-recognize na deserving ka sa mga magagandang bagay. May iba kasi na nagsi-self sabotage. Feeling nila, hindi sila karapat-dapat sa pagmamahal. Walang confidence. Kaya ang ending, although hindi naman talaga sadya, they end up pushing those people who want to love them away. Kaya, love yourself. Kapag natutunan mong mahalin ang sarili mo, ang pagiging confident, kusa ‘yang magmamanifest on the outside.

  2. Maging proud sa achievements mo. May nakita akong tiktok video na more on tips sa kung paano magmukhang confident through your body language. May isang trick din para maging confident ka – talk about your achievements, kahit na feel mo hindi mo deserve. Iniisip mo ba na baka isipin ng iba na mayabang ka? As long as hindi naman ganun ang intention mo, at sasabihin mo ‘yung achievement o credibility na ‘yun as a matter of fact at maayos naman ang attitude mo, walang magiging problema. Kapag kasi vino-voice out mo ang achievements mo at the right time and venue, mare-remind ka ng mga bagay na kinaya mong gawin. Magkakaroon ka ng sense of pride. Lalo na kung para ‘yan sa position sa isang organization or sa workplace, ‘wag kang mahiya na ilatag lahat ng past achievements mo. Walang lugar sa mundo lalo na sa lugar ng trabaho, ang mga mahiyain at hihina-hina ang loob.

  3. Ano ang top 1 mo? Hindi top 1 na boyband o kaya top 1 sa puso mo ha, kundi ‘yung top 1 na need mo bilang tao. May anim kasi dibang human needs ang tao - certainty, significance, variety, love/connection, growth and contribution. Syempre, may isa lang dyan na magsstand out para sa’yo over the others. Halimbawa ang top 1 mo is growth. Magiging confident ka kapag nakikita mong may progress ka bilang estudyante man ‘yan, empleyado, or as a person in general. The more na nafu-fulfill ‘yung need mo para sa top 1 na ‘yan, the more na mas magiging confident ka. So mamili ka, alin ba sa anim na ‘yan - certainty, significance, variety, love/connection, growth and contribution ang first place sa’yo? Kapag na-identify mo na, then exert more efforts para mapunan ‘yung need na ‘yun.

  4. Kausapin ang sarili. Hindi ‘yung parang sa mental na ang punta mo ha. Iba na ‘yan. Aminin mo man o hindi, kinakausap mo ang sarili mo. Lalo na kapag halimbawa nasa competition ka, dalawang klaseng thoughts lang ang pwede – “Hala, parang hindi ko kaya ‘to,” or “Kaya ko ‘to!” Ang tanong, alin dyan sa dalawa ang madalas mong i-self talk? Hindi man halata pero malaki ang effect ng kung anong sinasabi mo sa sarili mo sa nagma-manifest sa’yo. Our words create our emotions, and our emotions create our world. Kaya when you catch yourself na dina-downplay ang sarili mo, ang capabilities na meron ka, make it a habit na palitan mo ng maganda at self-building.

  5. Proper posture. Weh? Oo nga, ito ang pinakamabilisang paraan para maging confident ka. Stomach in, chest out, tapos chin up dapat. Bawal ang kukuba-kuba. Kapag kasi maganda ang posture mo, may effect na agad ‘yan sa tingin sa’yo ng mga tao.

  6. I-visualize ang goal. Kapag paulit-ulit mong pini-play sa utak mo ang isang bagay na gusto mong mangyari, for example estudyante ka, vini-visualize mong umaakyat ka sa stage as a college graduate, tapos paulit-ulit mo siyang ini-imagine, iisipin ng utak mo na nangyari na ‘yun. Kaya, kapag sasagot ng exams, mas magiging confident ka, kasi nakatatak na sa utak mo na aakyat ka sa stage. Dapat ang thoughts, “papasa ako!” “magiging successful ako!” and do your best to minimize thoughts of failure. Tandaan, you get what you focus on.

  7. Makipag-eye contact ka. Oo, uncomfortable siya sa una talaga, pero susundan ka ng confidence kapag ginawa mo ‘yan. Pero ‘wag naman ‘yung titig na titig ka na. Pwedeng 80/20. 80%, nakatingin ka sa kanya, pero 20% of the time naman, sa ibang bagay ka nakatingin para hindi niya maging uncomfortable na para siyang organism na ini-examine sa ilalim ng microscope.

  8. And lastly, live in the present. Hindi sa past, hindi sa future, kundi sa present. Kung nakagawa ka man ng pagkakamali dati, wala nang power over you ang mga pagkakamaling ‘yun. They’re all in the past now. Matutong i-appreciate kung ano ‘yung meron ka ngayon. Bawat araw, binibigyan ka ng panibagong 24 hours. Kaya nahihirapan ang iba kasi ang utak nila nasa kung saan except sa present. Be in the moment. Focus ka sa ngayon, dahil doon ka lang naman may kayang gawin. Wala ka namang time machine para bumalik sa past or tumalon sa future. So free your mind, be here, at susunod na lang ang confidence sa’yo.


And for the finale at ang pinaka-importanteng tip sa lahat – put your confidence in the Lord. Hindi sa talino mo, sa balance ng bank account mo, kundi kay Lord. Sa panahon kasi ngayon, napaka-uncertain na ng mga bagay-bagay. In just a snap of a finger, pwedeng magbago bigla ang lahat. Pero kung ang confidence mo ay naka-anchor sa isang bagay o taong constant, magkakaroon ka ng sense of comfort and confidence. Na kahit hindi ka sure kung anong naghihintay bukas, kahit na ano mang mangyari, may isang constant na hindi ka iiwan – at ang constant na ‘yun ay si Lord lang. That way, magkakaroon ka ng confidence na harapin ang bukas, ang mga challenges ng buhay, kasi assured ka na si Lord, He will never leave you nor forsake you. Magkakaroon ka ng lakas na whatever life may throw upon you, kahit na hindi ka man i-excuse ni Lord sa painful experiences, pero sasamahan ka Niya and He will get you through it.

[End]

2 comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
janicealfonso1986
30 de jun. de 2022

Salamat po sa pag tatanim.ng good seeds.specially po sa akin,unti unti.napo nag gogrow dj ...and lalo nPo ung pag sharing din po ng Gospel ang dmi kopo naging realization sa ganap ng aking buhay..muli slmt po.and more power Godbless dj ron...🤗😘😊

Curtir

janicealfonso1986
30 de jun. de 2022

Hi good day dj ron.thank u po sa lht lht!!😊😊

Curtir
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page