top of page

Bakit nga ba ang hirap makuha ang gusto mo? Walang forever? Walang pagasa?

Nawawalan ka na ba ng pag-asa at lagi mo nalang nasasabi na walang forever? Bakit nga ba ang hirap makamtan ang ninananis natin?


Gusto mo ng isang maiiksing sagot?

Masyado kang nagmamadali.


Huwag ka mauna sa plano ng Diyos sayo.


Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad. ~ Psalms 37:23


Naglalakbay ka sa isang daan para matanggap ang blessings na pinangako sayo ni Lord. Ang bawat hakbang ay isang aral. Minsan napapagod ka kaya nagdedesisyon ka na mauna sa Kanya pero sinasalo ka Niya para ibalik sa dati mong hakbang na iyong iniwan.


Parang isang ama na binigyan ng susi ng sasakyan ang isang anak na lalaki sa murang edad; isa yang blessing para sa kapahamakan. Ngunit kung ang isang ama ay naghintay sa tamang panahon na matuto ang anak at maging dalubhasa muna, ang kanyang anak ay nagiging handa sa kanyang blessing.


Huwag lumihis ng daan. Gusto natin magmadaling mag-asawa pero nauuwi naman sa hiwalayan. Gusto natin makaroon agad ng anak bago ang kasal pero nauuwi naman sa paghihirap. Gusto natin makatapos agad sa pag-aaral pero mapupunta tayo sa walang kinikita. Gustong-gusto natin na madaliin ang lahat ng bagay. Hindi yan dahil hindi para sayo ang mga bagay na iyon, nagmadali ka lang kaya ka nawala sa tamang direksiyon.


Stay on track!


Sabi nga ni Paul, "..for I have learned to be content whatever the circumstances." (Philippians 4:11)


Natuto siyang maging kontento sa lahat ng bagay na dumarating sa kanya.


Kapag ako ay may asawa, natututo akong maging masaya sa buhay may-asawa. Kapag ako ay may bahay, natututo akong maging masaya sa aking bahay. Kapag ako ay may kwarto, natutuo akong maging masaya sa aking silid.


Naiintindihan niyo ba ako!?


Natututo akong maging masaya sa aking cellphone. At natututo akong maging masaya na wala ito. Natututo akong maging masaya kasama ng aking mga kaibigan. At natututo naman akong maging masaya kapag ako ay kanilang iniiwan. Natututo akong maging masaya sa anumang sitwasyon na aking kinalalagyan dahil ito ay ang oras para pasalamatan si God sa mga hakbang na ito.


Huwag ka mabalisa o mag-alala sa bagyo ng buhay mo. Tandaan na si Lord ang namamahala ng iyong tatahakin. Huwag mong pansinin ang depresyon, kalungkutan, mga kinakatakutan, at kawalang pag-asa. Hindi makakatulong ito sayo.


Kung hindi mo gusto kung nasaan ka ngayon huwag mag-alala sa mga ito, dahil ito ay hakbang lamang. Kung hindi mo gusto ang pakiramdam mo ngayon, huwag ka umiyak dahil ito ay isang hakbang lang. Huwag mong bigyan ng masyadong pansin at ubusin ang iyong lakas sa mga bagay na iiwan mo lang din naman. Bakit mo pagkaka-abalahang problemahin ang isang hakbang lamang? Hindi mo ba alam na ito'y ay lilipas din?


This too shall pass...


Kung ano man ang inaalala mo ngayon ay lilipas lang ito. Kaya habang tinatamasa mo ang hirap habang hinahakbang mo ang dapat mong daanan, isipin mo na ito ay patungo sa blessing na nakalaan para sayo. Be patient and stay on track.

Purihin at magpasalamat ka kay God sa mga hakbang mo bago makapunta sa lugar na pupuntahan mo. At kapag tamang oras na, matatanggap mo rin ang blessings na pinakahihintay mo!


(Based from the words of Bishop T.D. Jakes)



 

Sabi nga sa Psalm 46:10 He says, “Be still, and know that I am God...


Ibig lang sabihin nito, huwag kang mabalisa at hayaan mong Siya ang magkontrol ng iyong buhay.


Kay Lord laging may forever at laging may pagasa!


All you need to do is to surrender to Him and be very patient. Sabi nga ni Aristotle, Patience is bitter but its fruit is sweet.


Tatandaan, huwag kang mauna sa plano ng Diyos sayo.


May tamang panahon sa lahat ng bagay. God is never late because He is always on time.



For the LORD is good and his love endures forever; his faithfulness continues through all generations. Psalm 100:5









Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page